Thaw- XLVI

146 8 0
                                    

"MAY SINABI si LJ kanina," ani JC na nakayakap mula sa kaniyang likod. Nilingon niya ito. Nakatingin naman ang huli sa kadiliman. Nakatayo silang pareho balkonahe ng kaniyang silid.

"What is it?" Nagtataka naman niyang tanong. Hindi ito kumibo. Nanatili lang ang mga mata nito sa kadiliman ng kawalan. Hinihintay niyang magsalita ito ngunit hindi pa rin kumibo makalipas ang ilang sandali.

"Huy, JC!" Untag niya sa kaibigan. Naguguluhan namang napatingin aa kaniya ang huli.

"Bakit?" Taka pa nitong tanong. Her brows creased.

"Anong bakit?" Hinarap niya ito. "Ang sabi mo may sinabi si LJ kanina. Then I asked you what is it. And then, nawalan ka na ng imik," hindi niya napigil ang mainis sa kaibigan.

"Ha? May sinabi ba akong ganoon?" Anitong kunot na rin ang noo.

"Oo!" Hinampas pa niya ito sa braso.

"Hey, relax. You don't have to yell at me," tawa pa nito. Kinurot pa niya ito sa tagiliran dahilan upang mapaigtad ito. "Aray. Nagiging bayolente ka na."

"Umayos ka kasi!" Singhal naman niya.

"Maayos naman ako, e. Sa hindi ko talaga maalala 'yong sinasabi ko eh," aniyang hinahaplos pa rin ang kinurot nito.

"Bata ka pa, ulyanin ka na," umirap siya rito at saka muling humarap sa kadiliman. Naramdaman na lang niya ang paghalik nito sa buhok niya.

"Come on, late na. Hindi puwede sa'yo ang magpuyat," ani JC. Nagpaakay nalang siya sa kaibigan. Nahiga na siya sa kama. Samantalang naupo naman sa kabilang bahagi ng kama ang kaibigan niya. Pumaling siya ng higa sa gawi nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama, may libro sa kamay. Natatanglawan ng lampshade ang librong binabasa nito.

"Hindi ba natuturete ang utak mo sa dami ng binabasa mo?" Maya-maya'y tanong niya dito.

"No." Sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa libro. Tinitigan niya ito sa tulong ng liwanag na nagmumula sa lampshade. Suot na naman nito ang salamin sa mata.

"Wala ka namang problema sa mata, 'di ba?" Sambit niya.

"Wala naman," anito kasabay ng paglipat ng pahina ng libro.

"E, bakit ka nagsasalamin?"

"Nasanay na kasi ang mga mata ko. Though, puwede ko namang hindi ito suotin kapag gusto ko. Kaso, parang hinahanap na kasi minsan ng mata ko. Kaya inaalis ko lang siya kapag hahawak ako ng camera," mahabang paliwanag nito. Nilagyan niya ng palatandaan ang pahina at saka ito itiniklop. Ibinaba nito ang libro sa bedside table.

"O, bakit ka tumigil?"

"Hindi ko na maintindihan ang binabasa ko," simpleng sagot nito. Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay iba ang namutawi sa mga labi niya.

"Darling? Can you sing me to sleep?" Paglalambing niya sa kaibigan. Napangiti naman sa kaniya ang huli. Hindi ito sumagot ngunit tumayo naman ito at lumabas ng silid. Napapantastikuhan niya itong sinundan ng tingin. Ilang sandali lang ang lumipas ay bumalik ito bitbit ang gitara niya.

"What song?" Anito nang muling makaupo sa tabi niya. Nakaharap ito sa kaniya.

"Wonderful Tonight," aniyang nakangiti.

"Hindi ko na yata alam 'yan," tawa nito ngunit sinimulan na naman nitong kapain ang chords ng nasabing kanta.

"Iyan naman pala eh," aniya sa kaibigan.

It's late in the evening
She's wond'rin what chlothes to wear
She puts on her make-up
And brushes her long blonde hair
And then ahe asked me
"Do I look alright?"
And I say, "Yes,
You look wonderful tonight.."

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon