TATLONG ARAW nang walang presensya ni Jocen. Tatlong araw nang napakahirap patahanin ng kaniyang mga supling. Tatlong araw na ring matamlay ang pakiramdam niya. Kahit hindi niya sabihin ay hinahanap-hanap niya ang presensya ng lalaki. Wala namang sinasabi si JC sa kaniya. Maging ang mga magulang at kakambal niya ay wala ring sinasabi.
"Kyle, tahan baby," isinasayaw niya ang kaniyang prinsesa ngunit wala pa rin itong tigil sa pagpalahaw. Laking pasalamat na lang niya nang pumasok si JC.
"So, how's Manila?" Nagawa niyang itanong.
"Nandoon pa rin," natatawa nitong sagot. "Hi, Baby Kyle. Bakit ka umiiyak? Ninang is here."
"Kanina pa 'yan umiiyak. Hindi ko mapatahan," sumbong niya sa kaibigan. Kinuha nito ang sanggol sa kaniya.
"Hush now, Little Simon. Papangit ka kakaiyak mo e," anito sa bata. At nagkatinginan na lang sila nang tumigil sa pag-iyak ang sanggol. Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa sofa. "Mukhang nami-miss mo na ang ama mo, a?"
Nakatingin sa kaniya ang kaibigan habang sinasabi iyon. Tila mas sa kaniya nito sinasabi kaysa sa supling niya. Napabuntong hininga na lang siya rito at nag-iwas ng tingin.
Tuluyang nakatulog ang sanggol sa bisig ng kaibigan. Marahang ibinaba ni JC ang sanggol sa kama niya at saka tumabi ng upo sa kaniya. May inilabas itong kung ano sa bulsa ng suot nitong hoodie.
"Nakalimutan kong ibigay ito sa'yo," anito kasabay ng paglahad ng isang kulay asul na kahita.
Naguguluhan naman siyang napatitig sa hawak nito. Alam naman niya kung ano ang maaaring laman ng kahita. Ngunit ayaw pa rin naman niyang umasa.
Alanganin niya itong kinuha. Nanginginig ang kamay niya nang mahawakan niya ito.
"Ano 'to?" Nanginginig na rin ang tinig niya. Kibit balikat ang isinagot sa kaniya ni JC.
"Apat na araw nang nasa akin 'yan. Nakakalimutan ko lang ibigay sa'yo."
Dahan-dahan niyang binuksan ang kahita. Tumambad sa kaniya ang isang napaka-eleganteng singsing. Nangilid ang luha niya at tuluyan itong pumatak. Natutop niya ang mga labi upang hindi kumawala ang hikbi. Umakbay si JC sa kaniya at kinabig siya nito payakap.
"Luha ba 'yan ng tuwa?" Nasabi nito. Nanatili siyang tahimik kahit pa bumubuhos ang luha niya. "Pagkatapos ni Kyle, ikaw naman ang patatahanin ko. Ang iyakin niyong mag-ina, ha?"
Hindi niya ito pinansin. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa wala na siyang mailuha. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat niyang maramdaman.
Masaya siya. Hindi niya ikakaila iyon. Ngunit hindi niya mapigil ang pagluha dahil iba ang interpretasyon niya sa pagbibigay nito ng singsing.
Tumagal ng halos kalahating oras ang pananahimik niya. Hindi man siya lumuluha ay hindi naman din siya umiimik. Inilayo niya ang katawan kay JC. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi at inayos ang sarili.
"Ibalik mo 'yan sa kaniya. Kung talagang gusto niyang ibigay 'yan sa'kin, siya mismo ang gumawa. Hindi ikaw," aniya rito. Iniabot niya ang nakasarado nang kahita sa kaibigan. Tiningnan lang naman ito ni JC.
"Ikaw ang magbalik niyan sa kaniya kung gusto mo," kapagkuwan ay saad naman nito. Naiinis niya binitawan ito. Gumulok sa sahig ang kahita. Hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si JC.
Iniwan niya ito atlumabas ng balkonahe. Narinig an niya ang marahas na pagbuntong hininga ng kaibigan.
Tinanaw niya ang kadiliman sa kawalan. Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung bakit sa kabila ng kasiyahang nadarama niya ay naiinis siyang hindi mawari.

BINABASA MO ANG
Thaw
Narrativa generaleTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...