IT'S BEEN weeks. At kahit anino ng lalaki ay hindi nasilayan ni Glenn sa mga nagdaang linggo. Wala rin kahit simpleng tawag o kahit text man lang mula sa lalaki. Ang huling usapan nila ay ang pagiging abala nito sa darating na exhibit nito.
Hindi maintindihan ni Glenn kung ano ang dapat niyang maramdaman. At alam niya rin na hindi dapat siya nakakaramdam ng kung ano man. Ngunit hindi niya rin naman mapigilan ang nararandaman ukol sa lalaki. At nangingibabaw ang pangungulilang nararamdaman niya para rito. Napabuntong hininga siya sa kaniyang sarili.
"Ganoon ba siya ka-abala para kahit simpleng text man lang ay hindi niya magawa?" Pagkausap niya sa nakalapag na cell phone. At sa kaniyang pagkagitla ay nag-ingay ang aparato.
Dali-dali niya itong dinampot upang sagutin. Ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang hindi naman ang taong inaasahan niya ang dahilan ng pag-iingay ng aparato.
"Yes po, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Bungad ni Glenn sa tumatawag. Hindi niya naitago ang pagkadismaya sa tinig.
"You sound dissapointed, Ysabelle. May iba ka bang inaasahan?" Panunukso sa kaniya ng kausap.
"Yes, I am," pag-amin naman niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kausap. "What can I do for you, anayway?"
"I need you right now. Your book is under editing. Ay, si Miss Sally pala ang may kailangan sa'yo," anang kausap.
"Okay, be there in a bit," buntong hininga niya sa kausap.
"Huwag mong masyadong isipin ang isang 'yon. Busy lang siya sa masterpiece niya," halakhak ng kausap. Naguluhan siya sa narinig. Namatay na ang linya kaya naman napatitig na lang siya sa kaniyang cell phone.
Kaagad siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng unit. Bumaba siya sa ground floor at tinunga ong parking lot. Kaagad niyang nakita ang sasakyan. Lumulan siya rito at kaagad itong pinasibad palayo ng gusali. Itinuon niya ang atensiyon sa pagmamaneho upang mabilis na makarating sa publishing house.
"AND THE last is the- hey, Ysabelle, are you listening?" Nagising naman kaagad si Glenn sa pag-iisip nang marinig ang tinig ni Sara.
"Yes ate. You're saying?" Pagpapatay-malisya niya. May Sinusupil na ngiti sa labi ang kaniyang kausap.
"I'm saying, huwag mo munang masyadong pakaisipin ang pinsan ko. Tinatapos niya lang ang masterpiece niya. Bukas na kasi ang exhibit niya." May himig ng panunukso ang tinig ng huli. Lumatay naman ang pagtataka sa mukha niya.
"Pinsan?"
"Yep. Pinsan. Si Jocen Skyler ang laman ng isip mo 'di ba?" Lumabas na nga ang ngiti nito. Hindi niya napigilan ang pamulahan sa hindi inaasahang kaalaman.
"See, your reaction tells me I'm right," she smiled triumphantly. "Anyways, huwag mo nang alamin kung paano ko nalaman. Kay Sky mo na lang itanong."
Wala sa sariling napatango si Glenn. His nickname was totally different from what she's calling him. And she wanted it that way. Calling him a different name of her own and being unique from the rest.
"Are you free this afternoon?" Maya-maya ay tanong nito sa kaniya. Nagtataka naman siyang napatingin dito.
"Yeah, why?" Naisaad na lang niya.
"Ah, yayayain sana kita. Samahan mo naman ako, please?"
"Saan naman? Magpapaalam muna ako kay JC, Miss." Magalang niyang sagot sa kausap. It's not as if kailangan talaga niyang magpaalam sa kaibigan. Kailangan lang niyang sabihan ito para hindi ito mag-alala kung sakali mang hindi siya nito mahanap sa unit.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...
