"YES, YES. I'm sorry, okay?"
Napakunot ang noo ni Glenn nang marinig ang naiinis nang tinig ni JC. Nakasabunot ito sa buhok habang nakikinig sa kausap sa cell phone. Nagbuga pa ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili. At saka muling magsalita.
"Oo na nga po. Sorry na, nawala kasi sa isip ko," nawala na ang inis sa tinig nito. Sa halip ay naging malambing na. Nakatalikod ito sa kaniya. "Yes, babe. Sorry na."
Natawa na lang siya sa kaibigan. Hindi niya pa ito nakitang magalit o mainis ng matagal. Kadalasan hindi lumilipas ang limang minutong galit ito o inis. Lumapit siya rito at yumakap mula sa likod nito. Hindi naman na ito nagulat sa ginawa niya. Sa halip ay binitawan nito ang buhok at sa siya hinarap. Ini-loudspeaker nito ang aparato.
"...don't do it again. Alam mo namang nag-aalala kami sa inyong dalawa," malumanay na saad ng nasa kabilang linya.
"Opo. Sorry na." Hindi na niya mabilang kubg pang-ilang beses na itong humingi ng 'sorry'.
"And one more thing, ilang beses na ring nagpunta rito ang love life ni Glenn. Pilit inaalam kung nasaan siya." Nagkatinginan sila sa sinabi nito.
"And what did you tell him?"
"What do you expect me to tell him?" May pagtataray na ito sa tinig. "Siyempre, wala akobg sinabi. Ayokong malaman niya kung nasaan kayo. At isa pa, kung talagang gusto niyang alamin kung nasaang lupalop ng mundo si Glenn, gumawa siya ng paraan. Siya mismo ang maghanap. Hindi 'yong tanong siya nang tanong. Dahil kung ako lang, pahihirapan ko pa siya!"
Nahuhulaan na nila ang pagsasalubong ng kilay ng kausap. Kaya naman napapangiti na lang siya.
"Mabuti naman at hindi mo sinabi kung nasaan kami-"
"Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para sabihin sa kaniya kung nasaan kayo. Magdusa muna siya," at mataray na nga ito. Hindi niya napigil ang mapatawa sa sinabi ng huli.
"Bakit ang sungit mo yata ngayon. Meron ka ba?" Natatawang tanong ni JC.
"Oo, meron. Idagdag pang hindi nakarating ang mga bulaklak ko dahil hindi sila nakapag-harvest ng maaga. Naiinis ako!" Nagkatawanan silang dalawa sa kausap.
"Kalma, babe. Papangit ka niyan," tawa pa run ni JC.
"Sa ating magkakaibigan, ikaw lang ang pangit," at ipinagdiinan pa nito ang huling salita na lalong nagpatawa sa kanilang dalawa.
"Aminado naman ako sa bagay na 'yon," anito.
"Mabuti naman. Anyways, I want to talk to our baby girl," anito na biglang lumambing ang boses.
"I'm here," pagbibigay-alam niya sa presensya.
"I know. How are you?"
Kinuha niya ang aparato sa kamay ng kaibigan at inalis sa pagkaka-loudspeaker ang aparato.
"I'm fine. I have a very warm, welcoming and lovely family. I can say, I'm more than happy," sinsero niyang sagot.
"That's good, baby girl," natutuwang saad ni LJ. Shebrolled her eyes as if the person she's talking to is in front of her. "You know we can't afford to see you cryibg again. After all you've been through, you deserve to be happy."
"Seriously, Leilanie Jean, you should stop calling me that endearment. Hindi ako ang pinakabata sa atin. At lalong hindi ako sanggol," angal niya sa kausap. "And yeah, I agree with you. And I'm grateful na hindi niyo ako pinabayaan during those times."
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...