"ANONG PLANO mo?" Masuyong tanong ng kaniya ng ina. Glenn smiled a little. Iniwan sila ng kaniyabg ama dahil ang sabi nito ay 'usapang babae' ang kailangan niya.
"Hayaan na lang muna natin siyang dumito kung gusto niya. Para na rin makasama niya ang mga bata. Pero sinabi ko rin sa kaniya na pabayaan niya lang muna ako."
"Anong ibig mong sabihing pabayaan ka, anak?" Salo ng kaniyang ama.
"Hindi ko rin po alam kung anong ibig sabihin sa kaniya nang sinabi kong pabayaan niya na lang muna ako. Basta gusto ko lang po, pabayaan niya ako." Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi rin maintindihan ni Glenn ang sarili.
"Alam mo anak, nasasaktan ka nang ganyan dahil mahal mo siya. Tama ba ako?" Nahihiyang tumango siya sa ina.
"Kung mahal mo, bakit hindi mo subukang intindihin ang sitwasyon niyo?" Hindi nawawala ang pagsuyo sa tinig ng kaniyang ina. "Mahal mo, 'di ba? Ipaglaban mo. Kahit hindi na para sa'yo. Para na lang sa mga anak niyo."
"'Ma, ayoko namang magkaa-"
"Ayaw mong magkaayos kayo nang dahil lang sa mga bata?" Salo naman ng ina niya. Tumango lang siya bilang sagot. "Anak, walang love story ang happy ending kaagad. Lahat ng kuwento sa mundo, may mga pagsubok munang pagdadaanan 'yan bago maging masaya. Walang saya kung walang lungkot."
Mataman siyang nakikinig sa kaniyang ina. Na tila tinatandaan at isinasapuso niya ang bawat salita ng ina.
"Iniintindi niyo rin dapat ang isa't isa. Hindi dapat pinapatagal ang hindi pagkakaintindihan. Kung may hindi ka nagustuhan, sabihin mo para hindi siya mukhang tanga na walang malay sa nararamdaman mo. Love shouldn't be selfish, it shouldn't be one sided either. Kung mahal mo, intindihin mo. Ingatan mo, alagaan mo. Mahal mo, unawain mo. Mahal mo, ipaglaban mo. Huwag mong sukuan. Hindi man ito ang tamang oras para sa inyo, alam ko, darating ang araw na magiging maayos din ang mga bagay-bagay sa pagitan niyo. At sana kapag dumating ang araw na iyon, mahal niyo pa rin ang isa't isa."
"Hindi ko naman alam 'Ma kung mahal ba niya ako?" Nakalabi niyang saad sa ina. Natapik naman ng ina ang kaniyang pisngi na ikinatawa niya ng mahina.
"Hindi naman siguro kayo makakabuo kung hindi ka niya mahal. And the way he looks at you, I doubt it if he don't. At kung mangyaring hindi nga, paibigin mo. Hanggang sa hindi na niya kayang mabuhay nang hindi ikaw ang makakasama niya." natatawang biro ng ina.
"Ma," angal naman niya.
"What? Totoo ang sinasabi ko," ngiti nito. "Alam mo, kami ng Papa mo hindi naman kami naging masaya kaagad. Hindi siya tanggap ng mga lolo't lola mo. For a reason that I shouldn't feel such extreme emotion. But that didn't stopped him from loving me. Didn't stopped us from loving each other," nakangiting pagkukuwento ng kaniyang ina. "Kasi kung hahadlangan kami ng sakit ko, wala ako ngayon dito. Wala kayo ng kakambal mo. Kaya sana, huwag mong isusuko ang pagmamahal mo sa kaniya. At alam kong mahal ka rin niya."
Ngumiti siya bilang ganti sa ina. It's the first time she heard about her parents' love story. And she can't help but to smile from what she heard. And she can only hope that her love story will be the same.
BUMALIK SIYA sa silid matapos ng madamdaming pag-uusap nilang dalawa ng ina. Nadatnan niya ang lalaking nahihimbing sa kaniyang kama katabi ng anak niyqng lalaki. Samantalang ang babae naman ay nahihimbing sa kuna nito. Ilang sandali niyang pinagmasdan ang kaniyang mag-ama.
Inayos niya ang puwesto ng kaniyang mga anak bago lumabas ng silid.
Tahimik ang buong kabahayan nang bumaba siya. Hinanap niya ang kaniya mga kasama sa bahay ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...