Thaw- XXIX

168 9 0
                                    

   "WOW!" TANGING sambit lang ni Jocen sa kaniya. Kanina pa tapos ang palabas nila ngunit hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagpuri sa kanila. Sa kaniya.

   "Quit it, Kyler. It's not a big deal," saway ni Glenn sa lalaki.

   "Hon, that's a big deal for me. You can sing. Just, wow!" He said almost exaggerating. But he is really amazed and amused. It was all written all over his face. "Everything about you is big deal for me."

   She blushed at his remarks. Impit namang tilian ang narinig nila mula sa mga kasama nila.

   "Mabuti nga at napapakanta ang isang 'yan," Lei butted in. "Hindi katulad ng iba riyan, mauurat ka muna sa kaniya bago mo mapilit na kumanta."

   "Oo nga. Katakut-takot munang pangungumbinsi at pakiusapan ang magaganap bago pumayag," segunda naman ni Brazille sa pagpaparinig ng huli.

   "At papayag din naman kasi, magpapapilit pa," ismid naman ni LJ.

   "And you do realize that I'm here, beside you and you're talking about me," cool namang sabad ni JC.

   "Oh, nandiyan ka pala. Akala ko kasi, anino ang katabi ni LJ," saad muli ni Lei na may sarkastikong ngiti.

   "You, guys can say whatever you wanna say about me, I don't care" balewalang saad muli ni JC.

   "Oh, yeah. Ikaw nga pala si Miss Sungit, Miss Suplada at Miss Walang-Pakialam," naiiling na saad ni Brazille. JC just shrugged at her friend's remarks.

   "At bukod doon, ubod din ng tigas ng ulo," dagdag pa ni LJ.

   "Si JC na naman ang nakita niyo," puna naman niya sa mga kaibigan. "Hayaan niyo na. Hindi pa kayo nasanay sa isang 'yan, e, ganyan naman na talaga siya."

   "Glenn's right. And besides, you love me the way I am," may pagyayabang sa tinig ni JC.

   "Remind me again, why am I friends with you?" Biro pa ni Brazille.

   "Yeah, I can't remember either," pagsakay naman ni Lei. Nagkatawanan na lang sila sa mga kalokohan nila.

   "You're friends with me because I'm awesome," nakakalokong sambit nito.

   "Awesome mong mukha mo," mataray na sambit ni LJ sa pabirong tinig. Umirap pa ito ng pabiro sa huli.

   "Tama na 'yan, kids." Biro ni Glenn sa kanila.
  
   "So it's late na, like really late. We should go," si Lei kasabay ng pagtayo. Maagap namang umaalalay dito ang asawa.

   "Oh yeah, and with your situation, late na nga," pagsabay ni Glenn sa pagtayo.

   "Oh, I'm glad you know that," ngiti ni Lei sa kaniya.

   "So since late na nga, let's all head home and hit the bed," si Brazille.

   "Hit the bed?" Nakakalokong ulit ni JC ng may nakakalokong ngiti sa mga labi.

   "Ikaw, kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa utak mo!" Singhal sa kaniya ni Lei.

   "What? Wala akong sinasabi," natatawang saad naman ni Glenn. "Ikaw itong nagbibigay ng ibang kahulugan sa sinasabi ko."

   "Whatever, JC." Umirap pa ito at saka nagpatiuna nang naglakad palabas ng shop.

   "Kapag ikaw ang napaglihian ng asawa ko, patay na," komento ni Dean.

   "That will never happen! Ayokong maging kamukha ng anak ko ang manyak na 'yan!" Sigaw naman ni Lei bago lumabas.

   "She has bionic ears," natatawang saad ni LJ. "Sundan na natin siya at baka mainip pa 'yon."

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon