HAVE YOU ever love somebody
It makes you cry
Have you ever needed something so bad
You can't sleep that night
Have you evwr try to find the words
But they don't xome out right
Have you ever
Have you everNakatitig lang si Jocen sa kumakantang dalaga sa entablado. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot. Damang-dama rin niya ang emosyon sa bawat binibitawan nitong linya ng kanta.
Nakaupo siya sa may bar counter kasama ang si JC na bumaba mula sa entablado nang matapos ang ilang kanta.
"Huwag mong masyadong pakatitigan, baka matunaw," biro ni JC sa kaniya.
"Immuned 'yan sa titig ko," nanatawa naman niyang sagot.
"At paano mo naman nasabi?" Hamon ni JC sa kaniya.
"Believe me, ni hindi nga 'yan nako-conscious sa titig ko," tatawa-tawa niyang sagot.
Napataas ng kilay ang kaniyang katabi. Tila ba hindi ito naniniwala sa kaniyang sinabi.
"I remember our first encounter. That's on the elevator," pagkukuwento niya. "Basang-basa siya noon. I stared at her puzzled. And she didn't even falter."
Napaisip ang kaniyang katabi sa kaniyang sinabi. "A first," bulong nito ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya.
"First in what?" Takang tanong niya.
"Oh, nothing," patay-malisya nitong saad. Napapantastikuhan siyang napatitig sa huli.
Muli niyang tiningnan ang babae sa harap ng microphone.
"Ganyang genre ba talaga ang kinakanta niy?" Tukoy niya sa kinakanta ni Glenn.
"Si Glenn?" Kompirma nito sa kaniya. Tinanguan naman niya ito nang hindi ito nililingon. "Well, ganyan talaga ang mga hilig niya. Mellow music. Pero minsan, more on instrumental lang siya."
"So that explains why she's the lead guitarist," tango nito sa kausap. Hindi maikaila ang paghanga sa boses nito.
"Yeah. Pero hindi lang naman gitara ang hawak niya at kaya niyang hawakan. She plays piano and bass."
Lalong nadagdagan ang paghanga niya sa dalaga. Kahit hindi siya tumutugtog ng ano mang instrumento ay alam niyang hindi biro ang paghawak nito. Lalo na ang hawakan ang iba't ibang instrumento kapag nasanay ka na iisa lang ang gamit.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang singit ng isang tinig na umagaw ng atensyon niya.
"Our first encounter. 'Yon lang," sagot niya sa dalaga. Hindi niya masabi rito ang pagtatanong niya sa kaibigan nito tungkop sa kaniya.
"JC?" Baling nito sa katabi niya, hindi kumbinsido sa sagot niya. Tinapunan naman siya ni JC ng tingin bago sumagot.
"Kung ano ang sinabi niya sa'yo, 'yon na 'yon," JC answered safely.
"Hmm." Sagot lang ng bagong-dating. "It's late, baka hinahanap ka na nila tita."
Tiningnan lang niya ang dalaga. Tila may hinahanap siya sa mukha nito. Sinalubong naman siya nito ng tingin.
"What?"
"Nothing," aniya at tumayo na. Inakbayan niya ang dalaga at nagsimula nang magmartsa palabas.
"Magpaalam ka muna sa kanila," saad ng dalaga na agad naman niyang sinang-ayunan.
"JC." Saad niya lang sa katabi niya. Tumango lang ang huli nang hindi lumilingon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...