Thaw- LV

182 7 0
                                    

   "OO NA! Tangina mo, kanina ka pa! Umayos ka nga, para kang bakla!" Kunot na naman ang noo ni JC nang dahil sa kausap sa cell phone. Naririndi na si Glenn sa bunganga ng kaibigan dahil bukod sa napakaingay nito ay panay pa ang pagmumura nito.

   She's been cursing and cursing for the past few hours since they arrived. And she's worried that the latter might wake her twins up.

   "JC, ano ba?! Bunganga mo naman! Ang ingay mo!" Naiinis na niyang saway sa kaibigan. Nakangiwi namang tumingin sa kaniya ang kaibigan. Lumayo ito sa kaniya at tumuloy sa balkonahe ng silid.

   "Oo! Ayusin mo na 'yan! Napapagalitan na ako rito! Kapag 'di ka pa umayos diyan, ako na mismo ang pipigil sa kaligayahan mong hayop ka!" Ibinaba na nito ang cell phone. Sumandal ito sa barandilya ng balkonahe at minasahe ang batok. Tanda ng pagod.

   Iniwan niyang saglit ang mga supling niya sa kama at nilapitan ang kaibigan. Hindi niya alam kung sino ang kausap nito para mura-murahin ng ganoon. Ngunit alam niyang hindi basta-basta kung sino ang kausap nito dahil tanging malalapit lang na kaibigan nila ang kaya nitong murahin.

   "Sino ba 'yon? Ang init na naman ng naging usapan niyo?" Aniya sa kaibigan.

   "Just some pussy," natatawa nitong sagot. Binatukan niya ang kaibigan. "Aray ko naman."

   "Bunganga mo kasi. Paano na lang kung ang mga iyan ang ang unang matutunang sabihin ng mga anak ko? You should make your mouth more child-friendly," sermon niya sa kaibigan.

   "Hindi ko naman hahayaang iyon ang unang masabi ng mga inaanak ko sa'yo," anito.

   "E, sino nga 'yong kausap mo?" Pangungulit niya. "You've been been busy talking to someone since we arrived here. Panay pa ang pagmumura mo. Kilala kita. Hindi mo mumurahin ang kausap mo kung hindi mo kaibigan. JC ha, hindi ko ito-tolerate 'yang bunganga mo. Dumadami na ang mga bata sa paligid mo. Learn to control your language, darling."

   "Oo na po." Tatawa-tawa pa ito.

   "You're not taking me seriously, Arellano," humalukipkip siya sa harap nito.

   "Of course, I am, darling." Bawi ng kaibigan. Sinulyapan nito ang pambisig na relo. "You take a rest. Be ready at four this afternoon. The exhibit will be at six tonight. I'll just finish some errands, okay?"

   "Okay. Mag-iingat ka," bilin niya rito. "Nagdududa pa rin ako sa pakana mo, para lang alam mo, ha? Huwag kang masyadong pakakampante."

   Natawa na lang ito sa kaniya.

   "I know. I can feel it since last night. But don't worry, I won't let any harm to be done on you," anito at inayos na ang sarili. "I'm going."

   Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Naglakad na ito ng diretso sa pinto at maingat na lumabas. Bumalik naman siya sa kama at nahiga sa tabi ng kaniyang mga supling.

   "Nasaan na kaya ang ama niyo?" Tanong niya sa mga anak niya. "Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip kaya niya tayo?"

   Napabuntong hininga siya. Para siyang baliw na kinakausap ang dalawang sanggol. Well, hindi naman niya maitanggi sa sarili na sa tatlong araw na nawala g lalaki ay nami-miss niya ito.

   "Ang hiningi ko lang naman ay pabayaan niya ako. Hindi ko naman sinabing iwanan niya ako. Tayo," patuloy niya sa pagsasalita. Hindi na mapigilan ang mapaluha.

   Tahimik siyang umiyak sa tabi ng kaniyang mga supling sa takot na magising ang mga ito. Hanggang sa hindi na niya namalayan na naigupo na siya ng antok. Dala marahil ng nagsasama-samang antok, pagod at pangungulila.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon