"WALA NAMAN akong hindi gagawin para sa'yo," malungkot ang pinakawalang ngiti ng lalaki. "Kapatid kita. At ang bigat sa pakiramdam na nakikita kita sa gantang kalagayan."
Ganoon na lamang ang panggigilalas niya sa narinig. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki.
"What?!" Kaagad siyang tumayo at lumayo sa lalaki. Hindi niya kayang paniwalaan ang binitawang kataga nito.
"Look, I've been meaning to tell you that thing." He sighed in exasperation. "But JC said I should take it slow. Dahan-dahan daw kasi hindi raw maganda ang pinagdaanan mo these past few months. But seeing you right now, at this state, hindi ko na kayang pigilan na hindi sabihin sa'yo. Ang bigat sa kalooban na nakikita kang ganyan. At wala akong magawa. Wala akong magawa kahit pa kapatid kita."
Natitigagal pa rin siyang napatitig sa lalaki. Tila ayaw iproseso ng utak niya ang mga narinig niya mula sa lalaki. Gulong-gulo ang utak niya sa mga naririnig.
"Paano kita naging kapatid? Ni hin-"
"You're adopted." Matter-of-fact na putol ng lalaki sa iba pa niyang sasabihin na tila ba sinasagot noon ang lahat ng katanungan niya. At lalo lamang bumigat ang dibdib niya sa narinig. And all of a sudden, all her life events for the past months came rushing to her.
Her, being an adopted child; her almost marriage; her failed relationship and now her sibling. Biological sibling at that. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha niya. Hindi niya mapaniwalaan ang mga nangyayari sa kaniya.
"I-i.." Hindi niya nagawang sabihin ang gusto niyang sabihin. Mabipis niyang tinalikuran ang lalaki at lumabas ng silid. She was half waythrough the the door when it flew open. She was greeted by JC's worried face.
"Darl-" hindi nito nagawang tapusin ang sasabihin dahil dinamba niya ito ng yakap.
"Please, please JC. Ilayo mo ako rito," pagmamakaawa niya sa kaibigan. "Darling, please."
"Okay." Walang nagawang sagot ng bagong-dating. Ngunit bago pa man sila makahakbang palabas ng bahay ay bumukas ang pinto ng pinanggalingan niyang silid at lumabas ang lalaki. Lumapit ito sa kanila at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"With the lot of things happening right now, I know it's hard for you to believe what I've said," buoong nito sa likod niya. "But come back to me when you're ready to hear everything. And I'll tell you everything you have to know."
Naramdaman niya ang paghalik ng lalaki sa tuktok ng ulo niya. Gusto niya itong yakapin ngunit hindi niya magawa dahil sa halu-halong emosyon na pumupuno sa kaniya.
Nagsimula nang maglakad siya JC nang kayakap siya palabas ng kabahayan. Kung paano siya nito nakayang dalhin sa sasakyan ay hindi na niya nabigyang pansin. Hanggang sa madala siya ng kaibigan sa bahay nito ay wala siyang pakialam sa buong paligid. Patuloy pa rin ang paghikbi niya.
"Tahan na," pang-aalo ni JC sa kaniya. Hindi nito naitago ang pag-aalala sa tinig. "Baka kung mapaano ka na niyan."
"Just let me," pahikbi-hikbi niyang sabi. Wala namang naging tugon ang huli sa sinabi niya. Sa halio ay niyakap siya nito.
"I DON'T know what to believe anymore. Una si Jocen, ngayon naman si Glenmoore. Sino pa ang susunod? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko," gulong-gulo niyang sambit sa kaibigan matapos niyang sabihin dito ang mga nangyari. Nakayakap pa rin siya rito. Ang huli naman ay hinahaplos lang ang kaniyang likod. Nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa.
"Napapagod ka na ba?" Masuyo nitong tanong. Pinili niyang huwag sagutin ang kaibigan. Alam niya kung ano ang nais nitong ipahiwatig sa sinabi. Humigpit ang yakap niya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...