"SINCE, SEVEN weeks pa lang naman, hindi pa malalaman kung ano ang gender ng baby mo," anang doktora habang nagsusulat ng prescription para sa kaniya. She was beyond shocked. Good thing is, JC's holding her. Dahil kung hindi, kanina pa siya bumigay.
"You need to buy these vitamins and milk, for you and for the baby," at iniabot ng doktora ang prescription sa kaniya. "Every month ang check-up, huwag magbuhat, eat healthy foods. Please, take charge." Nakangiti pa nitong baling kay JC.
"Yes, Doc," sang-ayon naman ng huli.
"Ang mga bilin ko, huwag kakalimutan. And take care of yourself more. Kung may mga katanungan pa kayo or if ever something happen, call me. Immediately," pinagdiinan pa nito ang huling sinabi.
"Yes, doktora," ani JC. Hindi pa rin siya nakakahuma sa nangyayari.
"So, see you next month," nakangiting dismiss ng doktora. Inakay siya ni JC patayo at iginiya palabas. Natauhan lang siya nang paalis na sila sa harap ng hospital.
"Punta muna tayo ng pharmacy for your milk and vitamins. 'Tapos sa grocery for your everyday needs," ani JC sa mababa at malambing na tinig. Bigla na lang siyang napaiyak sa kaibigan. Kaagar namang naitabi nito ang sasakyan nang marinig ang mga hikbi niya.
"Hey, what's wrong?" May pag-aalala sa tinig ng kaibigan. "Calm down, darling."
Her voice, soothing and all but it just made her cry even more. Jc enveloped her into a warm hug. She poured her heart out. Wala siyang kahit na anong narinig mula sa kaibigan. Bagkus ay nanatili lang itong nakayakap sa kaniya hanggang sa kumalma ang bugso ng damdamin niya.
"I'm sorry," aniya nang makabawi siya.
"Bakit ka humihingi ng sorry?" Malambing nitong tanong. "You have nothing to be sorry about."
"I know. I just feel like saying those words," aniya habang pinupunasan ang mga pisngi niya. "It must be the pregnant hormones. You know."
"Right. I remember ate Selene when she was pregnant with her first baby. Maya't maya ang topak. Iyak pa ng iyak kapag hindi napagbibigyan sa gusto," natatawa nitong saad.
"Sana naman huwag akong masyadong topakin para naman hindi kawawa ang mag-aalaga sa akin," nakalabi niyang saad.
"Darling, I've endured Lei and Raz's mood. Sa'yo pa ba?" Patuloy pa ito sa pagtawa. Inirapan niya naman ito. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kita iiwan kahit pa magtopak ka ng sobra."
"I'm starting to hate you, darling," nakanguso niyang saad dito na may kasama pang irap. Humalukipkip siya at nagbaling ng tingin sa labas. Lalo lang namang bumunghalit ng tawa ang kaibigan niya. Marahas niyang hinarap ito at pinaghahampas sa braso.
"I hate you! I hate you!"
"Aray, Glenn! Tama na 'yan!"
"Pinagtatawanan mo ako!" Mataray niyang saad. "Nakakainis ka!"
Para siyang batang naiinis sa pinaggagawa ng kalaro. Ngunit kahit papaano ay alam niyang nababawasan ang pag-aalala niya sa sitwasyon niya.
"Ang cute mo kasi eh," ani JC sa kaniyang humupa na ang pagtawa.
"Whatever. Tara na nga, baka naman magtaka na sina Mama kung bakit ang tagal natin," yaya na lang niya sa kaibigan.
"Okay ka na? O isang round pa?" Nakuha pa nitong magtaas-baba ng kilay. Ngunit sa halip na sagutin ito ay yumakap na lang siya rito.
"Thank you," she muffled against her shoulder.
"Anything for you," anitong tinapik-tapik ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...