HINDI MAPAKALI si Glenn sa kaniyang silid. Gustong-gusto niyang silipin ang dalawa sa sala ngunit mahigpit na ibinilin sa kaniya ni JC na huwag na huwag siyang magtatangkang sumilip o makinig na ano mang magiging usapan ng dalawa. Ni hindi pa nga siya nakakahuma sa pagbubunganga nito sa kanilang dalawa ni Jocen nang kaladkarin siya nito papasok sa kaniyang silid. Iniwan siya ng kaibigan at binalikan ang naiwang lalaki sa sala. Nagsimula na siyang mag-alala kasabay ng pagbangon ng pagkainis sa loob niya.
"Stop it. Buhay ako," tinig ng lalaki nang bumukas ang pinto ng silid niya. Kampanteng-kampante itong naglakad papasok sa silid niya habang inaayos ang salamin sa mga mata. Tila siya nabunutan ng tinik nang makita ito.
"What took you so long?" Nag-aalala niyang tanong ngunit hindi na niya naitago ang inis niya sa tinig. Sinalubong niya ang lalaki ngunit nilagyan pa rin niya ng distansya ang mga katawan nila.
"Wala naman," kibit-balikat ng lalaki. Tuluyan na nitong sinakop ang distansya sa pagitan nila. Hinapit siya nito sa bewang at dinampian ng halik ang kaniyang mga labi. Ilang segundo lamang ang itinagal ng halik nito ngunit naramdaman niya ang kuryente hanggang sa kaniyang buto.
At kahit na nanginginig ang kamay niya sa ginawa nito, hindi niya napigilang sapakin ito sa braso.
"Aray!" Anang lalaki habang sapo ang nasaktang braso. "Para saan 'yon?" Nagulat pa nitong saad sa kaniyang ginawa.
"Bakit nga kasi ang tagal niyo? Anong pinag-usapan niyo?" Nakataas na ang kilay niyang tanong.
"Nagkahabaan lang sa pag-uusap at pagpapaliwanagan," sagot nitong hinahaplos ang nasaktang braso. "Ang sakit mong manapak."
"Ano ba kasing pinag-usapan niyo?"
"Wala nga. Usapang lalaki 'yon," nakakalokong saad nito.
"At ano naman sa palagay mo ang kaibigan ko, lalaki?" Sarkastikong saad niya. Tinawanan lang siya ng lalaki.
"No. Hindi siya mukhang lalaki, pero matindi pa siya sa lalaki," tatawa-tawang saad nito. Binigyan niya ito ng nakakamatay na irap at saka kumawala sa mga braso nito.
"Ewan ko sa'yo, Jocen Skyler," aniyang sumampa sa kama. Hinarap na niya ang trabahong kailangan niyang tapusin.
"Hey, galit ka?" Ani Jocen na sumunod sa kaniya at naupo sa tabi niya.
"No. Naiinis lang ako," ani Glenn na hindi inaalis ang tingin sa laptop niya. "Did she left?"
"Hindi pa. Pero ang sabi niya may kukunin lang siya and that's it. Aalis na siya," anitong tila natutuwa sa pag-alis ng kaibigan niya.
"Bakit parang tuwang-tuwa ka?" Mataray niyang tanong kasabay ng paglingon dito. Bumungad sa kaniya ang patay-malisya nitong ngiti.
"Hindi naman, tuwa lang. Hindi tuwang-tuwa," biro nito sa kaniya.
"Ipagpatuloy mo 'yan, sisipain kita palabas ng unit na 'to," banta niya sa lalaki. Natatawa namang sumubsob sa leeg niya ang huli. "Jocen Skyler, ano ba?"
"Kanina pa 'yang 'Jocen Skyler'na 'yan. Naiinis ka na naman?" Nag-angat ito ng mukha at pinagmasdan siya.
"Nagtaka ka pa? Iniinis mo ako." Masungit niya itong inirapan. "Umayos ka."
Bumaling siya sa kaniyang ginagawa. Samantalang ang lalaki naman ay hindi na nagsalita, bagkus ay umayos ito ng puwesto sa kaniyang likod. Ikinulong siya nito sa kaniyang mga braso.
"Kyler behave. Kailangan kong tapusin 'to," babala niya sa lalaki.
"Wala naman akong ginagawa ah," sagot naman nito kasabay ng pagpatong ng baba nito sa kaliwang balikat niya.

BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...