Thaw- V

371 11 0
                                    

   NAWALAN NG gana niyang itinigil ang pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop nang hindi niya lubos na mailarawan ang eksenang gusto niya.

   "Okay. Calm down, Glenn," pagpapakalma niya sa sarili. Sunod-sunod din ang ginawa niyang paghinga ng malalim at saka muli niyang ipinosisyon ang mga daliri sa keyboard niya.

   Ngunit makalipas ang ilang sandali ay wala pa rin siyang maisip na salitang aakma sa nais niyang ilarawan. Nasapo niya ang noo at tinalikuran ang ginagawa. Tinungo niya ang bintana ng kaniyang silid at binuksan ito. Nakarating sa kaniyang pandinig ang ingay na nagmumula sa baba. Tumitig siya sa kawalan.

   Ngayon na lamang naulit sa kaniya ang maubusan ng salitang maglalarawan sa kaniyang gustong eksena. Sa dami ng tumatakbo sa utak niya ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin niya. Ilang araw na rin niyang sinusubukang dugtungan ang kaniyang isinusulat ngunit laging nauuwi sa pagkawala ng angkop na salitang nais niya.

   "Hey," anang isang tinig kasunod ng yabag na papalapit sa kaniya. At kahit hindi niya ito lingunin ay alam niya kung sino ang dumating. "Is there something wrong?"

   "I hate my mind rigt now," saad niyang sa kawalan pa rin nakatingin. Naramdaman niya ang pag-akbay ng kaibigan sa kaniya at ang pagsadig ng ulo niya sa balikat nito.

   "Tell me about it," hikayat nito kasabay ng paghagod niyo sa braso niya.

   "I can't find the right words to describe the scene that I have in mind," aniyang nagbuntong hininga. "Wala na naman sa hulog ang utak ko. Ayaw makipag-cooperate."

   "Unwind tayo," anang kaibigan. Tiningala niya ito at sinimangutan.

   "Unwind na naman? Ilang araw na tayong pagala-gala ah," reklamo niya sa kaibigan.

   "Kina Lei lang naman lagi ang gala natin," katwiran nito. "Tara na, mambubulabog tayo roon."

   Napailing na lang siya sa kaibigang nakangisi sa kaniya. Kahit na kanino sa kanila ito mapadikit ay talaga namang parang hindi na ito hihiwalay.

   "Lagi na," aniya ngunit kumilos pa rin upang umalis. "Give me five, and I'll be done."

   Nakangiting tumango lang ang huli at saka lumabas ng silid. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo upang makapaghanda na. At hindi nga nagtagal ay lumabas na siya ng silid nang bihis na.

   "Let's go," aniya sa sa kaibigan. Tumayo ito at nagpatiunang lumakad patungo sa pinto. She opened the door for her then drape her hand around her shoulders.

   "May nakapagsabi na ba sa'yo or nakapagtanong kung lesbian ka or anything close to that word?" Bigla niyang natanong sa kaibigan.

   "Meron na," she simply answered. Iginiya siya nito papasok ng elevator at pinindot ang first floor ng gusali.

   "And what did you say?" Curious niya pa itong tiningala. Nakatingin lang naman ito sa harapan at tila hindi siya pinakikinggan.

   "My usual answer is always a question. Sabi ko lang, ano sa palagay mo? Bakit mo naitanong," nilingon siya nito na bahagyang nakataas ang kilay.

   "Nagtataka lang kasi ako, kung kumilos ka, ang sweet masyado. Lalo na sa amin nina Raz, that's why I'm asking," aniyang nagkibit balikat. "Not to mention, ang landi mo rin."

   "Grabe talaga kayo sa'kin," tila naghihinampo namang saad ng huli. "Ganoon na ba talaga ang tingin niyo sa akin?"

   Natawa siya itsura nitong parang batang nagtatampo.

   "Oo," walang gatol niyang sagot. Lalo namang napasimangot ang kaibigan sa kaniya.

   "Grabe talaga ang pang-aapi niyo sa akin," nagmamaktol pa nitong saad.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon