Thaw- III

449 19 1
                                    

   "SA SUSUNOD kasi, huwag kang masyadong magpapakalasing. Mabuti na lang at nandoon ako, dahil kung nagkataong wala ako roon, baka kung napaano ka na," sermon sa kaniya ni JC.  Nasapo lang niya ang kaniyang ulo sa harap ng mesa.

   "O, 'yan. Inumin mo, nang mabawas-bawasan ang sakit ng ulo mo," sermon pa rin nito at inilapag ang isang tasa ng kape sa kaniyang harapan.

   "Thanks," usal niya at saka siya humigop sa tasa. Ngunit agad niyang naibuga ang hinigop.

   "Anong nangyari sa'yo?" Maang na tanong ni JC sa kaniya.

   "Ganito na ba kapait ang buhay mo?" Tukoy niya sa kapeng walang asukal.

   "Oh that, hindi naman. Sadyang ganyan lang ang iniinom ko kapag may hangover ako," balewalang sagot naman nito.

   "Grabe, 'buti naiinom mo pa sa sobrang pait," palatak niya.

   "Oo naman. Ako pa ba?" Maangas niyang sagot.

   "Yeah, whatever," tugon na lang niya rito. Ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng kapeng mapait pa yata sa ampalaya. Napapangiwi na lang siya sa kaibigan at tinatawanan lang naman siya nito.

   "Papasok ka ba sa trabaho ngayong araw?" Tanong ni JC nang mailapag nito ang agahan sa kaniyang harapan.

   "Yes. Bukod sa may tinatapos akong manuscript, baka ngayong araw na ang huling pasok ko. Though I can still work kahit wala ako sa company. I can send them my works through e-mail naman," mahabang saad niya sa kaibigan.

   "I see," tanging saad naman ng huli. Naupo na ito sa kaibayo niyang silya at nagsimula na silang nag-almusal. Nagpresinta na rin siyang maghugas ng pinagkainan nang matapos sila.

   "Pansin ko lang, bihis ka na yata?" Puna niya sa suot nitong long sleeve button down polo at jeans na pinarisan ng five-inch stiletto.

   "Yeah. May aayusin pa kasi ako sa studio. Kailangang maaga ako roon para matapos agad," esplika nito.

   "Bakit ba kasi hindi ka na lang rito matulog, nang hindi ka na bumiyahe pa papunta dito," suhestiyon niya rito.

   "I'd rather go home at night. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kung hindi lang din sa kama ko."

   "Except that once upon a time," makahulugang sambit niya.

   "Well, yes. Except that," she answered nonchalantly. Napahagikgik naman siya sa kaibigan.

   "Sige na. Aakyat na muna ako para makapagbihis."

   "May damit ka ba?" Tanong nitong nakapagpatigil sa kaniya sa pag-akyat. Paglingon niya rito ay sumalubong sa kaniyang mukha ang isang paper bag.

   "Salamat," ngiti niya sa kaibigan.

   "Don't mention it. Magbihis ka na," saad naman nito at saka tumalikod. "Ihahatid kita. At huwag ka nang umangal."

   "Oo na po," walang nagawang sagot niya at nagpatuloy na sa pagpasok sa kuwartong tinutuluyan.

   Pumasok na siya sa banyo at nagsimula nang maligo. Hindi na siya gaanong nagtagal sa loob. Paglabas niya ay nagbihis na siya kaagad.

   Isang simpleng white dress na may shades of red ang napili niyang isuot. Namangha siya nang maisuot niya ang damit dahil para itong isinukat sa kaniya. Nagtaka naman siya kung paanong alam nito ang size niya. Dahil magil ang underwear ay eksaktong sukat niya.

   Tinuyo niya lang sa tuwalya ang kaniyang buhok at saka ito sinuklay. Isinuot niya ang sapin sa paa at saka lumabas. Nabungaran naman niya ai JC na nakaupo sa couch.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon