Thaw- XXXI

157 11 0
                                    

   "HEY, KANINA pa may nakamasid sa'yo," bulong ni JC sa kaniya. Nailapit nito ang mukha sa kaniya upang magkarinigan sila.

   "Talaga? Where?" Balik niya sa kaibigan. Nagsimula nang umingay ang buong paligid dahil sa maingay na musika at sa mga taong nagsasayawan at naghihiyawan sa dance floor.

   "Three o'clock," simpleng sagot nito at muling sumimsim ng alak sa baso.

   Nagpaling naman siya ng tingin sa nasabing direksiyon. Bumungad sa kaniya ang isang lalaking hindi niya kilala. Mataman lang itong nakatitig sa kaniya na para bang kinakabisa ang bawat linya ng mukha niya. But the strange thing is, it feels like she's staring at her own eyes.

   "Baka magkatunawan kayo niyan," untag ni JC sa kaniya. Kaagad naman siyang nagbawi ng tingin at muling bumaling kay JC.

   "Hindi mo sinabing lalaki ang nakatitig sa akin," aniya. Sumimsim muna siya ng alak sa baso bago muling tinapunan ng panandaliang tingin ang lalaki.

   "Yeah, sorry. Akala ko kasi noong una, sa akin nakatitig. But then, sa'yo pala. Ang assuming ko lang," natatawa pa nitong biro. Napangiti naman siya sa kaibigan dahil parang double meaning ang sinabi nito.

   "Sira ka talaga."

   "Alam ko. Hindi lang sira, sirang-sira," nagkatawanan pa sila sa biro nito.

   "Tara na nga. Ang paalam ko kay Kyler ay sa shop niya ako susunduin, hindi dito sa bar mo," diniinan pa nito ang huling dalawang salita. Napangisi naman sa kaniya ang huli.

   "Okay." Tumayo na ito at nagsimulang maglakad nang bigla ito tumigil. "I'll just talk to my secretary."

   "Ang lakas maka-secretary, ah?" Natatawang pang-aasar ni Glenn sa kaibigan. Mayabang lang na nagkibit-balikat ang huli sa kaniya. Hinintay niyang mawala sa paningin niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya ang sarili dahil hindi naman siya katulad ni JC na alak na ang dumadaloy sa ugat nito.

   "Excuse me," untag sa kaniya ng baeitonong tinig. At ganoon na lamang ang gulat niya nang mabungaran ang lalaking kanina lang ay nakatitig sa kaniya. Sa kabila nang kabiglaanan ay nagawa pa rin niya bigyang pansin ang mga mata nito.

   "Quit staring. I might melt," nakangiting saad ng lalaki sa kaniya. Nagbawi siya ng tingin. "You look familiar. Have we met before?"

   "I don't think so," naiiling na sagot niya. "Is that why you're staring at me awhile ago?"

   "Yeah. You look familiar to me. Or rather, it feels like I've known you my whole life." Kaswal lang ang pagsasalita nito na tila naglalahad lang ng katotohanan.

   "Strange, but I feel the same way. When I look at thoae eyes, it feels like I've been staring at my own eyes," she blurted out. The comfortable air is floating around them, surrounding them.

   "I see," nagpatango-tango nitong saad. "So, you are?"

   "Oh, I'm-"

   "Darling, let's go," putol ni JC sa sasabihin niya. Tinapunan lang ng bagong-dating ng tingin ang lalaking kaharap niya.

   "Oh. Okay," aniya at muling ibinalik ang tingin sa lalaki. "See you when I see you na lang."

   "Okay. Mag-iingat kayo," saad naman nito sa kanila na nakatutok ang mga mata sa kaniya. Binigyan niya lang ito ng tipid na ngiti bago iniwan.

   "What did he say?" Bulong ni JC sa kaniya nang makalayo sila sa lalaki.

   "Wala naman," aniya. "It's just that, I feel a strong familiarity towards him. Parang kilala ko na siya sa loob ng mahabang panahon."

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon