NAALIMPUNGATAN SI Glenn nang maramdamang may mainit na nakadikit sa kaniyang likod. Bumaling siya paharap sa mainit na bagay na iyon.
"Huwag kang malikot, malalaglag tayo," anang paos at baritonong tinig. Napamulat siya ng mata at napatingala.
Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Nakapikit pa ang lalaki at nakayakap sa kaniya. Dito pala nanggagaling ang init na naramdaman niya sa kaniyang likod.
"Don't stare too much, I might melt," he whispered. She find his bedroom voice sexy."Sorry, I fell asleep," hingi niya ng paumanhin. Ngunit sa halip na bumangon ay lalo niyang isiniksik ang katawan sa lalaki.
"It's okay. Fall asleep all you want, I'll be your bed and pillow," magiliw nitong saad. Naramdaman pa niya ang pagdampi ng mga labi nito sa buhok niya.
She smiled at herself and once again, darkness embrace her.
SHE WOKE up alone in the sofa. It took her a minute to realize why she's lying there. Then she got up, looking around her. Looking for some trace that she isn't alone in the unit. Then a noise from the kitchen reached her ears.
Nagsimula siyang magmartsa ng tahimik patungong kusina. At ang matipunong likod ng lalaki ang bumati sa kaniyang mga mata. Nakasuot ito ng pink na apron. Nakangiti siyang sumandal sa hamba ng pinto.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang bawat kilos ng lalaki. Sa bawat galaw nito ay nagpi-flex ang muscle nito sa katawan. Hindi niya maiwasang mapakagat-labi habang nagpapakasawa ang mga mata niya sa likod ng lalaki.
"Like what you see?" Tanong nito nang hindi siya nililingon. Marahil ay ramdam niti ang mga mata niyang nagpi-fiesta sa katawan nito.
"Hmm, puwede na," nakakaloko niyang sagot. Itinigil ng huli ang ginagawa at saka humarap sa kaniya. Lalong lumawak ang ngiti niya nang makitang magkasalubong ang kilay nito.
"Puwede na? Talaga lang, ha?" Ngumisi ito sa kaniya. "Pero ang titig mo naman ramdam ko, mula ulo hanggang paa." Mayabang nitong dagdag. Inayos nito ang salamin sa mata.
"Excuse me, hindi ko nakikita ang paa mo. Kaya hindi hanggang paa ang titig ko sa'yo," nakataas ang kilay niyang saad. Ngunit nakaplaster naman ang ngiti sa mga labi niya.
"So, tinititigan mo nga ako?" Nagtaas na rin ito ng kilay. "Kaya pala ang init ng pakiramdam ko."
Tinanggal ng lalaki ang suot na apron at nakangiting tinawid ang distansiya nila. Hinapit siya nito sa bewang palapit sa katawan nito. Napakagat-labi siya nang maramdaman ang katawan nito sa kaniya.
"Well, yeah. I won't deny it," she managed to say inspite of her erratic heartbeat. She felt the warmth of his body against hers. And that made her feel hot from her head down to the sole of her feet. Then he began to sway their bodies.
Naihilig niya ang ulo sa balikat nito. Naiyakap niya rin ang mga braso sa batok ng binata. At naramdaman din niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa bewang niya.
They were both lost in their own world. Having each other in their arms feels like the world is revolving just for them. But the magic was broken when a noise reached them.
Kaagad na nailayo niya ang katawan sa lalaki at tiningnan ang pinanggalingan nito. Lumipad ang mahinang pagmumura ng lalaki. Kaagad siya nitong binitawan at hinarap ang nag-iingay na sabaw ng kung anong niluluto ng lalaki.
"Ano 'yang niluluto mo?" Nakasunod niyang tanong sa lalaki. Sumilip siya sa tagiliran nito.
"Nilaga po," anang lalaking may himig panunukso.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...