Thaw- XVI

217 10 0
                                    

   NAGISING SI Glenn sa mainit na hanging humahaplos sa kaniyang leeg at sa kung anong bagay na nakapulupot sa kaniyang bewang at nakadagan binti. Sinubukan niyang gumalaw ngunit lalong humigpit ang pagkakapulupot ng kung ano man sa bewang niya. Suot niya ang t-shirt ng lalaki na nagmukha nang bestida sa kaniya.

   Sa ilang araw niyang pananatili sa bahay ng lalaki ay sa silid na nito siya natutulog. Hindi naman maalis ang mga nanunuksong ngiti ng mga kasama nila sa bahay nang malaman ng mga ito na magkasama sila sa iisang silid. Ngunit hindi rin naman nila pinasusubalian ang kung ano mang iniisip ng mga ito tungkol sa kanila.

   "Stay still, honey. Inaantok pa ako," anang baritonong tinig. She found his bedroom voice sexy, even if she heard it before.

   Hindi na niya kailangang magmulat ng mga mata upang masiguro kung sino ang may-ari ng boses. Nilingon niya ang orasan sa bedside table.

   "It's time for my morning rituals, Kyler. I need to get up now," ani Glenn sa lalaki. Sinimulan na niyang alisin ang pagkakayakap nito sa kaniya. Ngunit hindi naman nagpatinag ang huli.

   "It's Saturday morning, hon. I just want to savor this morning with you," nakapikit pa rin nitong saad. Lalo pa siya nitong hinapit palapit sa katawan nito, kung posible man iyon.

   "Hindi ito ang magiging huling umaga mo na magigisnan mo ako paggising mo," aniya sa lalaki. Dinungaw niya ito at tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Nang hindi pa rin ito natinag ay nauwi sa paghaplos ang tapik niya. Nagpakawala siya ng hininga at hinayaan na ang lalaki.

   Pinagmasdan niya ang lalaking nahihimbing na sa pagtulog. Bahagyang nakaawang ang mga labi nitong sa hula niya ay siyang pinagmumulan ng mainit na hanging humahaplos sa kaniyang leeg.

   Ang paghaplos niya sa pisngi nito ay nauwi sa marahang paglalakbay ng hintuturo niya sa buong mukha ng lalaki. Marahang nagsalubong ang kilay nito sa ginawa niya.

   "Hon, stop it," mahinang saway ng lalaki sa kaniya at saka isiniksik ang mukha nito sa leeg niyo. Natawa siya nang mahina sa ginawa nito.

   "Okay." Natatawang saad niya rito. Ngunit hindi nagtagal ay muling umiral ang kakulitan niya. Muli niyang pinagala ang kaniyang hintuturo sa pisngi ni Jocen pababa sa leeg nito, patungo sa tenga nito at muli, pababa sa leeg ng lalaki. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang mukha nito at hinihintay ang magiging reaksiyon nito.

   Hinuli ni Jocen ang kaniyang kamay dahilan upang kumawala ang impit na tawa niya.

   "You're being a bad girl. Stop it," inaantok na saad nito. Pilit niyang binabawi ang kaniyang kamay na hawak nito. Ngunit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak dito ng lalaki.

   "Hon, come on. We need to get up now," she used her sweetest voice. But to no avail, Jocen didn't take it. So she did her last resort.

   Glenn lowered her head, leaning closer to him without him knowing. She captured his lips and planted a soft, sweet and inviting kiss. And when Jocen started to respond on her kisses, she bit his lower lip. Causing him to jolt and move backwards, giving space between them.

   Natawa siya nang malakas sa reaksiyon ng lalaki. Pinakawalan siya nito at sinapo ang pang-ibabang labi.

   "You're really a bad girl," anitong masama ang tingin sa kaniya. Tinawanan lang naman niya ang lalaki.

   Bumangon na siya sa kama at iniwan ang lalaki. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa kama ay hinaltak na siya nito. Napatili siya kasabay ng pagbagsak niya sa kama.

   "And you think you'll get away from me after what you did, honey?" Ani Jocen na may pagbabanta sa tinig.  "Well, think again."

   Pinupog siya nito ng halik kasabay ng pagkiliti nito sa kaniya. Wala naman siyang ginawa kundi tumawa at sawayin ito.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon