"HON, LATE na ako. I'll just see you later, okay?" Anas ni Glenn sa mga labi ni Jocen. Pigil-pigil siya nito sa pag-alis.
"Okay," he whispered and reluctantly let her go. "I'll fetch you later, okay?" Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya. Hindi naman niya maabot ang seradura ng pintuan dahil ayaw pa rin naman niyang bumitaw.
"Of course," nakangiti niyang saad sa lalaki. "Sige na, Kyler."
"Mag-iingat ka, okay? Tatapusin ko lang 'to at ise-send kay Daddy, susunod kaagad ako," may kasama pang buntong-hiningang sagot naman nito.
"Huwag mong masyadong madaliin 'yan, baka magka-problema pa ng hindi mo inaasahan lalo ka pang magtagal," aniya sa lalaki at sinapo ang pisngi nito gamit ang libremg kamay niya. "I'll see you later, okay?"
Sinuklian siya nito ng matamis na ngiti at muling dinampian ng halik ang kaniyang noo. Malamlam ang mga mata nito nang magbawi ng tingin. At sa wakas, binitawan na rin nito ang kamay niya.
Lumabas si Glenn sa pintuan nang hindi inaalis ang tingin sa huli. Napapangiti na lang siya sa kaniyang sarili nang mawala ang lalaki sa pangingin niya.
I think I'm in love with you. Truly. Deeply. Madly.
HINDI PA lubusang nakakapasok si Glenn sa club ay dinig na dinig na niya ang ingay na nagmumula rito. Sinalubong naman siya ng dalawang bouncer sa pintuan. Pawang ngito lamang ang naiganti niya sa bati ng dalawa.
Dagat ng nagkakasiyahan at nagsasayawang tao ang sumalubong sa paningin niya. Ano pa nga bang aasahan niya, club 'yon.
Iginala niya ang paningin sa mga taong nagsasayawan upang hanapin ang mga kaibigan niya. Ngunit bigo siyang makita ang mga ito kaya naman napilitan siyang tumuloy na lang muna sa may bar counter. Nang lumapat ang pang-upo niya sa stool ay siya namang pag-ingay ng aparatong hawak niya.
"Hel-"
"We're upstairs," anang nasa kabilang linya bago ito mawala.
"Napaka talaga, hindi man lang ako pinagsalita. Ni wala man lang hello," reklamo niya sa aparato.
She rose to her feet and pass through the sea of dancing people. She heaved a sigh of relief when she reached the stairs. Brazille meet her halfway when she saw her. The latter enveloped her into a warm, pleasant hug.
"Thank goodness, nandito ka na. Bakit ba ang tagal mo?" Bungad ng kaibigan sa kaniya.
"If I know, bago pa 'yan bitawan ni Jocen, eh, alam na," pilyang sabad ni Lei na nakatayo na rin sa tabi nila ni Brazille. "Hi, girl!"
"Nagsalita naman," palatak lang niya at saka siya umingos dito.
"Oh, eh, bakit? Hindi ba totoo?" Panunudyo pa ng huli.
"Whatever. Bakit, ganyan din ba si Dean sa'yo?" Sinagot siya ng ingos ng huli.
"Tama na 'yan, kids." Saway naman ni LJ na hindi lumalapit sa kanila. Sa halip ay nanatili itong nakaupo kasama ng mga asawa ng mga kaibigan niya. Binati naman siya ng mga ito ng halik sa pisngi. Huling bumati sa kaniya si LJ.
"Where's JC?" Takang tanong niya nang hindi niya ito matanawan.
"Oh, your darling is just right..." at iginala ni LJ ang mga mata sa buong palapag. "There."
Sinundan niya ng tingin kung saan nakatutok ang mga mata ng huli.
"He's with a guy?" Napapantastikuhang tanong niya.

BINABASA MO ANG
Thaw
Fiksi UmumTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...