"I HEARD, may exhibit ka raw this coming month," anang kaniyang ina na nakaupo sa kaniyang tabi.
"Hindi pa po sigurado. Kailangan ko pa pong kausapin si Charles," tukoy niya sa magiging organizer ng naturang event. They are currently seated at the living room with a cup of coffee on their hands.
"What's your subject? Or who is your subject?" Pagbibigay diin ng kaniyang ina sa huling pangungusap. "If ever matuloy ang exhibit."
"Hmm, humahanap pa," sagot niya sa ina. Ngunit sa kaniyang pagbaling sa kaniyang tasa ay bumulaga sa kaniyang balintataw ang pares ng mga matang tumitig sa kaniya. Biglang sumilay ang ngiti sa labi niya sa alaalang lantaran siya nitong tinitigan.
"Hmm, mukhang may maganda kang naiisip, ah?" Puna ng kaniyang ina. Sumalubong sa kaniya ang nanunudyong ngiti ng ina nang humarap siya rito.
"Hmm, I saw a girl," humigop siya ng kape nang nakangiti.
"And?" His mom said expectantly. Nagniningning pa ang mga mata nitong nakatuon sa kaniya. Ibinaba niya ang tasa bago sumagot.
"It's her eyes that captivated me. I mean, she openly checked me out in the elevator," anitong tukoy sa lantarang paninitig ng dalaga sa kaniya. "And to think na hindi siya nako-conscious na nakatitig sa akin. Ako pa nga yata ang na-conscious sa titig niya."
"She's got guts to do that," nakangiting komento ng kaniyang ina.
"Yes, Mom. Definitely," sang-ayon niya sa ina.
"Oh, well, maganda ba?"
"Hmm, yes. With her honey-colored eyes, small pert nose and luscious lips-"
"Hearing it from you, parang you're the one who checked her out. Not the other way around," putol sa kaniya ng ina. He chuckled.
"Tinitigan niya ako, so I did the same. And I got the chance to stare at her lovely eyes," depensa niya.
"Hindi naman mata ang tiningnan mo, kundi ang mukha niya," panunudyo ng ina.
"Mom, pagbigyan mo na ako. Who knows, she might be my next subject," ngiti niya sa ina.
"I can't wait to see her," his Mom exclaimed.
"Mom, sa canvass mo lang muna siya makikita sa ngayon. If I were to make advances on her, I'll cut all my responsibilities or what is it that I'm having with Gina first."
"Oh, advances kaagad? And Gina, goodness, tapos na ang lahat sa inyo," halos isigaw iyon ng kaniyang ina sa kaniyang mukha. "And don't worry son. Kahit sa canvass lang muna, okay na ako," tila nakakaunawang ngiti pa ng ina.
"Hmm, I know, Mommy," sang-ayon niya sa ina. "And I have to ask for her permission first. And by that, that means I have to know her first. Or introduce ourselves formally."
"Hindi pa kayo pormal na nagkakakilala!?" Gulat na tanong ng kaniyang ina. Napangiti siya sa reaksiyon nito.
"Hindi pa e," kibit-balikat niya.
"Goodness, Skyler! Kailan ka pa naging torpe?" Bulalas ng kaniyang ina.
"Mom, hindi ako torpe," malumanay niyang saad sa kaniyang ina at napakamot sa batok. "Naghihintay lang ako ng tamang panahon at pagkakataon upang makilala siya."
"Siguraduhin mo lang. The last time that I saw you smile by just thinking of this girl was years ago."
Napangiti lang siya sa sinabi ng ina. Inubos na niya ang natitirang laman ng kaniyang tasa at saka tumayo.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...