"SO, HANGGANG kailan mo balak manatili rito?" Tanong ng kakambal ni Glenn. Panay ang subo nito ng sari-saring prutas na nasa harap nila. Nakaupo silang dalawa samantalang si JC ay nakahiga sa kaniyang tabi.
"Ayaw mo bang nandito ako, kambal?" May himig-tampong saad niya sa kakambal.
"It's not that, kambal," bawi naman kaagad ng lalaki. "Wala ka bang trabahong naiwan sa Manila? E, iyang kaibigan, mo wala rin bang trabaho?"
Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni JC. Tinanggal nito ang libro sa kaniyang mukha at tiningnan sila.
"You can ask me directly, Glenmoore Rey de Alegre Alivarez, you know," may himig ng sarkasmo ang tinig nito. "And to answer your question, yes, may trabaho ako sa Manila. Pero mas importante ang pananatili ko rito kasama ang kaibigan ko kaya mananatili ako rito, kasama niya, hanggang sa magdesisyon siyang umuwi sa Manila."
Napangiti siya nang makita ang ekspresyon ng kakambal. Hindi makapaniwala sa narinig nito. Humarap ito sa kaniya at nagsalita ng 'wow' ngunit wala namang tunog. Nauwi sa tawa ang ngiti niya.
"Well, hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito. But, surely, I'll stay longer. I'm loving the new environment here, kambal," nakangiti niyang sagot sa kakambal.
"True," ani JC. Hindi na nito pinagkaabalahang alisin ang librong nasa mukha. "Getting here was great, after all. Meeting your real family and having a vacation at the same time was great. It's like hitting two birds with one stone."
"Yeah. A breath of fresh air," naisagot na lang din niya sa kakambal. Tumayo siya sa kinauupuan at tumabi sa kakambal. Walang anu-ano ay yumakap siya rito. Naramdaman niya ang paninigas ng kakambal. Ngunit ilang segundo lang ang itinagal. Naramdaman na lang niyang gumanti ito ng yakap sa kaniya.
"Kambal?" Tawqg niya sa kakambal.
"Yes?"
"Kumusta ang kalagayan ni Mama?" Nangahas na siyang magtanong. Nabanggit na rin naman kasi nito ang kondisyon ng kanilang ina.
"Since may butas nga ang puso niya, sabi ng Doctor huwag daw siyang bibigyan ng stress. At hindi siya puwedeng makaramdam ng extreme emotion," paliwanag ng lalaki. Nagpatangu-tango lang siya sa kapatid.
"Congenital 'yon. Mabuti na nga lang at hindi iyon lumalaki," dagdag pa nito. "Pero mas gusto kong maniwala na mas bubuti ang lagay niya. Nandito ka na eh."
Napangiti siya sa sinabi nito. Gusto rin niya ang naiisip nito. At kahit pa nga ngayon pa lang niya nakilala ang totoo niyqng pamilya, natural na yata sa kaniya ang mag-alala para sa kalagayan ng ina.
"Kambal," tawag nito sa kaniya. She hummed in response. Tumingala pa siya sa kakambal. "Nagbabanda ka, 'di ba?"
"Yup. Why?" Nagtataka niyang tanong. Lumayo siya sa lalaki at tiningala ito.
"May kukunin lang ako," anitong bumitaw sa kaniya at dali-daling pumasok sa kabahayan. Napasunod na lang siya ng tingin sa kakambal. Hindi an nagtagal ay lumabas ito. May bitbit na gitara at beat box.
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Ganoon din ang lalaking papalapit sa kaniya.
"JC. Get up, you'll gonna love this!" Aniya kay JC. Kaagad namang bumangon ang kaibigan niya habang naghihikab.
"Anong meron?" Kinukusot nito ang mga mata sa ilalim ng salamin nito. Nang tuluyang makabawi ay napangiti na lang din ito sa kaniya.
Ibinigay ni Glenmoore ang gitara kay Glenn. Na malugod naman niyang tinanggap. Ang beat box ay ibinigay nito kay JC.
![](https://img.wattpad.com/cover/67472617-288-k573926.jpg)
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...