MATAPOS ANG tagpong iyon ay hindi na humiwalay si Glenn kay Jocen. Lagi nang nakalingkis ang mga braso niya sa braso ng lalaki. At ganoon na lang din ang paghapit ni Jocen sa bewang niya.
"Your girl, Jocen?" Minsa'y tanong pa ng isa sa mga kapwa artist niya. Sasagutin lang naman nito ng lalaki ng malambing na titig sa kaniya at halik sa kaniyang sentido.
"I hope that answers your question, pare," nakangiting sagot ni Jocen na nakatutok sa kaniya ang mga mata. Inulan pa sila ng kantiyawan at panunudyo. Hindi naman na niya inalintana ang mga panunudyo ng mga ito. Sa halip ay nakatutok lamang ang mga mata niya sa lalaki.
Nang matapos ang event ay iilan na lang silang naiwan sa pinagdausan. May iilang mga portrait na lamang ang mga nakasabit sa dingding. At kabilang na roon ang mga larawan niya. Na hindi lang pala dalawa.
"Parang lahat yata ng painting mo na ako ang subject hindi nabili?" Hindi alam ni Glenn kung malulungkot siya.
"Don't be sad, Gleanice. Hindi talaga ipinagbili ni Jocen ang mga iyan dahil hindi raw niya ipininta 'yang mga 'yan para sa ibang tao," naiiling na saad ni Charles sa kanila. Ipinakilala ni Jocen ito sa kaniya nang hindi na siya humiwalay dito.
"Sinabi mo pa, pare. E, kahit anong pilit nga noong isang buyer kanina hindi niya talaga ibinigay," natatawang segunda naman ni Rico sa sinabi ng huli. Nakikitawa lang naman silang dalawa ni Jocen sa mga komento ng mga ito.
"Ang possessive kasi. Ang gusto kaniya lang," parinig naman ni Charles.
"Oh well, ganoon talaga," nangingiting saad naman ni Jocen sa mga ito. Bumaling ito ng tingin sa kaniya at malamlam ang mga matang tumitig sa kaniya. "Kahit sino naman siguro ayaw ng may kahati. Lalo na sa babaeng nagpapatibok ng puso niya, 'di ba?"
Nagrigudon ang puso ni Glenn sa pagtibok lalo pa at hindi nito inalis ang mga titig sa kaniya. Hindi na niua nasundan ang naging takbo ng usapan ng mga ito dahi sa sinabi ng lalaki.
Nagpapatibok ng puso niya. Pinatitibok ko ang puso niya?
Tila nagtatalon ang puso ni Glenn sa tuwa dahil sa narinig. Hindi niya napigil ang mapatitig sa lalaki ng matagal kahit na hindi ito nakatingin sa kaniya. The way his eyes shine and the way he smile, maybe it's what his cousin saw that she couldn't see.
"So, paano ba 'yan? We have to go. See you na lang, pare. And congrats!" Paalam na ni Charles sa kanila.
"Yeah, me too. Malamang hinahanap na ako ng mga aso ko sa bahay," natatawa namang banat ni Rico. "Congrats, p're!"
"Sure, sure. Mag-iingat kayo. Drive safely boys. Iilan na lang ang pogi na katulad natin sa mundo. Baka mabawasan pa," biro ni Jocen sa mga kapawa artist nito.
"Oh, no. Kapag masamang damo, mahirap mamatay," nakangitingbiro naman ni Glenn sa mga ito. "Kaya walang dapat ipag-alala."
"Grabe 'yang girlfriend mo, Jocen." Sabay na reklamo ng dalawa. Natawa na lang sila sa reklamo ng mga ito.
"Oh, totoo naman eh?"
"Bagay kayo. Sobra," sarkastikong saad ni Charles sa kanila. Nagkatawanan na lang sila at pinanood ang pag-alis ng dalawa.
"Ingat kayo," pahabol na lang ni Glenn sa mga ito. Kaway at tango naman ang naging balik ng dalawa sa kanila.
"Tayo?" Untag sa kaniya ni Jocen.
"Tayo? Wala yatang 'tayo'?" Biro niya sa lalaki. Napakunot ang noo nito at naguluhan sa sinabi niya.
"Ha?" Napahalakhak siya sa lalaki. Gigil niyang niyakap ang lalaki. Ngunit kaagad siyang humiwalay dito nang may maalala siya.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...