AMUSEMENT DANCED in his eyes as he watched her argue with herself. Sapo ni Glenn ang nakakunot nitong noo nang lumayo ito sa kaniya. Balewala naman siyang naupo sa sofa na kanina'y kinauupuan nila ng kaibigan nito.
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga. Nameywang ito sa harap niya na lalo lamang nagpaaliw sa kaniya. Ang mukha nito'y walang bahid ng emosyon ngunit alam niyang itinatago lamang nito iyon.
"Nami-miss kita kaya ako nandito," simpleng sagot niya. Pigil-pigil pa rin niya ang kaniyang ngiti.
"Ngayong nakita mo na ako, puwede ka nang umalis," pagtataray nito ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pamumula ng mga pisngi nito.
Ngunit sa halip na makinig sa dalaga ay prente pa siyang naupo sa sofa ba kanina'y inokupa niya. Lalo namang nalukot ang mukha ng dalaga sa kaniyang ginawa.
"Please, huwag mo na lang akong guluhin dahil magulo pa sa magulo ang buhay ko ngayon."
"So, panggugulo na pala ngayon ang kagustuhan kong makita ka?" Nakataas ang kilay na hamon niya sa dalaga.
"Kung hindi, bakit ka nandito? You shouldn't be here," litanya nito sa kaniya.
"I missed you, that's why I'm here. I thought, I already told you that," balewala niyang sagit sa dalaga.
"Just leave," mariin nitong utos sa kaniya. Ngunit hindi siya nakinig.
"And if I don't want to?" Sa halip ay hamon niya sa dalaga.
"Then stay, ako ang aalis," anito at nagsimula nang magmartsa patungo sa pintuan.
Kaagad namang tumayo si Jocen. At bago pa man nito mahawakan ang seradura ng pintuan ay nahablot na niya ang braso ng dalaga. Marahas itong napapihit paharap sa kaniya. Sinalubong siya nito ng matatalim nitong mga mata.
"Ano ba?! What the hell is your problem?!" Naiinis nitong tanong. Lumipad din ang mga titig nito sa kaniyang kamay na nakahawak sa braso nito. Ngunit hindi niya ito niluwagan, sa halip ay lalo niyang hinigpitan ang hawak niya rito.
Hindi niya sinagot ang inis nito. Sa halip ay sinikop niya ito sa pagkakatayo at walang babalang binuhat niya ang dalaga nang nakaharap sa kaniya. And that leave her no choice but to encircle her hands on his nape.
Hindi niya napigilan ang pagngisi sa ginawa ng dalaga. Sinimangutan naman siya ng huli nang makaupo sila sa kanina'y kinauupuan niya. Halata pa rin ang inis nito sa kaniya.
"Now what?" Pagtataray pa rin nito. Ngunit hindi niya ito pinatulan, bagkus ay natawa p siya ng mahina sa pagtataray nito.
"Kung hindi malamig ang pakikitungo mo sa'kin, tatarayan mo ako," anang lalaki. Ngunit walang himig ng pagrereklamo o ano pa man ang boses niya. "Samantalang kapag labi na natin ang nag-uusap, tumutugon ka naman," panunudyo pa niya.
Nahampas siya nito sa balikat na tinawanan lang naman niya.
"Bakit ka ba kasi nandito?" Nakasimangot nitong tanong sa kaniya. "At huwag mong sabihing na-miss mo ako kasi hindi ako naniniwala," agap pa nito sa sasabihin niya.
"I want to see you. My eyes is longing for you, that's why I'm here," malumanay na tinig. "After that kiss in that bar, I've been missing you."
NAPAMAANG LANG siya sa lalaki. Hindi niya malaman kung nagbibiro ba ito o hindi. Pasimple siyang humugot ng hininga at tinangkang umalis sa mula sa kandungan ni Jocen. Ngunit hindi siya nagtagumpay sa kaniyang nais. Sa halip ay lalo siyang hinapit ng lalaki palapit sa katawan ng huli.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...