"SO, IKAW pala ang bagong pinagkakaabalahan ng kuya ko."
"Ano namang tingin mo sa kaniya, Lira? Trabaho o bisyo na pinagkakaabalahan?"
"Trabaho lang ba ang pinagkakaabalahan ngayon? Ang ibig ko namang sabihin eh, busy siya kay ate Glenn."
"Linawin mo kasi. Baka ma-misinterpret ka eh."
"Ikaw lang naman lagi eh."
"Anong ako lang? Maging si k-"
"Tumigil na nga kayo. Nakakarindi kayo," naiiritang saad ni Jocen sa mga kapatid na nagtatalo. Magkatabi ang mga ito sa mahabang sofa ngunit may isang tao ang pagitan ng mga ito.
Matapos ipakilala ni Jocen sa mga kapatid ang kasama ay nagkagulo na ang dalawa. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagtatanong sa kaniya. Lalo na si Lira sa nadatnang eksena nila sa sala.
Naaaliw naman si Glenn na panoorin ang mga kapatid ng lalaki habang nagbabangayan. Natatawa na lang siya sa mga ito.
"Siya kasi, ang daming sinasabi," ingos ni Lira sa kapatid.
"Anong ako? E ikaw ang maraming sinasabi riyan," ganti naman ni DJ.
"Huwag na kasing sumagot, hahaba lang lalo ang pagtatalo niyong iyan," muling saway ni Jocen sa mga kapatid. Isang impit na halakhak ang pinakawalan ni Glenn dahilan upang lumingon si Jocen sa kaniya.
"You find this funny, hon?" Pinagtaasan siya nito ng kilay. Dinungaw siya nito mula sa armrest ng single-seater na sofa na kinauupuan niya.
"It's not everyday that I got to see someone banter in front of me. So, yeah," nangingiti niyang sabi. Hindi niya pinansin ang itinawag nito sa kaniya. Narinig pa niya ang impit na sigaw ng kapatid nito.
"Anong oras tayo aalis?" She asked instead.
"Aalis na kayo kuya? Why don't you spend the night here?" Saad ni Lira. Dinig niya ang pakiusap sa tinig nito. "Hintayin niyo na rin sina Mom and Dad. I'm sure, Mom will be glad to see her here."
She focused her eyes on Jocen. Waiting for his answer. But seconds later, he didn't say a thing. Instead, Jocen look at her, silently asking for her permission.
Tiningnan niya ang kapatid nito at saka muling ibinalik ang tingin niya sa lalaki.
"What do you think?" Tanong niya sa lalaking nakamata sa kaniya. Jocen smiled the amile that can melt the heart of anyone who can see.
"Sure, Lira," sagot nito sa kapatid na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Kinagat niya ang labi upang pigilin ang pagngiti.
"So, can I borrow your woman for a while, kuya? Magpapatulong lang ako," ani Lira. Tumayo na ito at nilapitan ang dalaga. Ngunit wala pa mang sumasagot sa kanila ay nahila na siya ng dalagita. "I promise, I'll return her in one piece and unscathed!"
Sumasaklolong tingin ang ipinukol ni Glenn sa lalaki. Ngunit ngumiti lang naman ang huli at nag-thumbs up pa. Napailing na lang siya at itinuon ang atensyon sa dalagitang hinihila siya patungo sa kung saan.
They ended up in the kitchen. The kitchen is classic with a modern touch. Lira handed her an apron. The latter just smiled at her and put on hers.
"Parating na rin po ang Mommy at Daddy. I'm sure Mom will be delighted to meet you," nakangiting saad ng dalagita sa kaniya. Sinuklian nan niya ang huli ng alanganing ngiti.
Naglabas si Lira ng mga sangkap mula sa refrigirator. Ipinatong niya ito sa kitchen sink at binalingan ang mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...