Thaw- VII

326 10 0
                                    

   PINAGLALARUAN niya sa kaniyang mga daliri ang kapirasong papel na kinalalagyan ng numero ng lalaki. Samantalang ang libre niyang daliri ay pinaglalaruaan naman ang kaniyang pang-ibabang labi.

   Ilang araw na ang nakalipas simula nang mahalikan niya ang lalaki. Ngunit parang nararamdaman pa rin niya ang mga labi nito sa kaniya. At para bang hindi maalis sa kaniyang sistema ang halik na pinagsaluhan nila. Napapikit siya ng mariin at inis na ibinalik ang kapirasong papel sa center table.

   Hinarap niya ang kaniyang laptop at sinubukan muling ipagpatuloy ang kaniyang sinusulat. Ngunit hindi pa man lumalapat ang kaniyang mga daliri sa keyboard ay bigla na namang sumingit sa kaniyang isip ang mukha ng lalaki.

   "Shit!" Naiinis niyang bulalas at padarag na tumayo. She ran her fingers down her hair out of exasperation. "Ano ba 'to?"

   Naputol ang pag-iisip niya nang biglang bumukas ang pinto. Ngunit hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang pagpasok ng kung sino mang dumating.

   "Hey," bati sa kaniya ni JC. Tumango lang siya sa kaibigan at hindi na rin ito pinagkaabalahang lingunin. At hindi nga nagtagal ay naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya.

   "What's up?" Hindi niya napigil itanong sa kaibigan.

   "Ceiling," nakakaloko namang sagot ng huli at saka siya nito nilagpasan papuntang kusina. Napailing naman siya sa kalokohan nito at muling sinulyapan ang isinusulat.

   Itiniklop niya ang ang laptop at saka sinundan si JC sa kusina. Naabutan niya itong naghahain ng almusal.

   "Come on, eat up," anito at ipinaghila pa siya ng upuan.

   "Salamat," nakangiti niyang saad. Naupo siya aa tabi nito at nagsimula nang kumain. Pansin niya ang pananahimik ng kaibigan at ang maya't maya nitong pagkakatulala. Kaya naman pinuna na niya ang pananahimik nito.

   "Something wrong?" Tanong niya at tila ba natauhan ang huli. Napabaling ito sa kaniya ng tingin at tipid na ngumiti.

   "Nothing's wrong," tipid nitong sagot. Muli itong bumalik sa pagkain at ganun din ang ginawa niya.

   "You're unusually quiet. Something's definitely wrong," hindi nakatiis niyang saad.

   "Nothing's wrong, really. Don't bother, darling. I'm fine," walang gana nitong sagot. Tila wala ang dating sigla sa tinig nito. Ngunit ganoon pa man ay hinayaan na niya ang kaibigan at tahimik na tinapos ang pagkain.

   "Darling, I won't be able to visit you here from time to time. Will you be fine here?"

   "Of course, darling," she immediately replied. "Sige lang. Masyado na nga akong nagiging abala sa'yo, e."

   "No, you're not. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka kailan man magiging abala sa'kin?"

   "Okay, okay. Easy, darling," natatawa niyang sagot dito. "Sige lang, I'll be fine here."

   "Call me when you need something. Anything, okay?" She was about to answer when she raise her forefinger cutting what she have to say. "And that's an order, Gleanice Ysabelle."

   "Yes, ma'am," she playfully answered. JC just rolled her eyes on her. Tumayo na ito at inilagay ang pinagkainan sa lababo. At sa kaniyang pagtataka ay bigla itong bumalikwas ng tingin sa kaniya.

   "You sure, you'll be fine?" Naninigurado nitong tanong.

   "Yes, darling. I'll be fine," nakangiti naman niyang saad.

   "Okay," tipid nitong sagot at saka hinarap na ang lababo. Sandali siyang napatitig sa likod nito.

   "I'll take my leave now," paalam nito matapos hugasan ang pinagkainan at saka humarap sa kaniya. "You take care, yes?"

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon