"OH, YOU'RE a novelist?" namamanghang tanong ng ina ni Jocen kay Glenn.
"Yes, ma'am," magalang namang sagot ng dalaga sa kaniyang ina.
"Didn't I told you to cut the formalities and call me 'tita', instead? Feeling ko tumatanda ako ng ilang taon kapag ganyan ang itinatawag sa akin," natatawang saad ng kaniyang ina kay Glenn. Natawa naman ang huli sa sinaad ng kaniyang ina.
"I'm sorry, ma-, tita," natatawang saad rin ng dalaga.
"There, that's more like it," ngiti ng ginang.
Simula nang dumating ang mga magulang niya ay hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ng mga ito. Lalo na ang kaniyang ina na halatang nawiwiling makilala ng husto ang dalaga.
"You're using a pen name, yes?"
"Yes, tita," magalang niyang sagot sa pagitan ng pagsubo.
"What genre were you writing?"
"Of all sort, tita. Romance, comedy, thriller, mystery and the likes."
"Wow! Iilan lang yata ang mga writers na kayang magsulat ng iba't ibang genre," humahangang saad ng kaniya ina.
"I agree. Most writers kasi naka-focus lang sila sa iisang genre. Ikaw, nagagawa mong magsulat ng ibang genre. Wow!" Sang-ayon naman ng kaniyang ama.
"Ganoon po yata kapag wide reader, nagiging wide writer," saad nito. Mababanag pa rin ang hiya sa mukha at tinig nito.
"Maybe. Kasi hindi ka naman magkakaroon ng idea tungkol sa isang genre kung hindi ka magbabasa," sumasang-ayon muli ng kaniya ina.
"What's your pen name, ate?" Lira butt in. "Baka kasi nakakabili na pala ako ng book mo, hindi ko man lang alam."
"It's 'Ice', sweetheart," nakangiti niyang sagot sa dalagita. Namilog ang mga mata ni Lira sa gulat. Agad itong tumayo at umalis sa hapag kainan.
"Anong nangyari sa kaniya?" Takang tanong ni Glenn kay Jocen.
"Don't know," sagot naman niya rito.
Ilang sandali nga ay bumalik si Lira dala ang ilang libro.
"These are yours, ate?" Namamanghang tanong ng dalagita.
Nagningning ang mga mata nito nang makita ang mga librong sinulat niya.
"I think so," Glenn shyly uttered.
"Wow!" Nasisiyahang sambit ng kaniyang kapatid. Muli ay lumabas si Lira. Hindi naman nagtagal ay nagbalik na ito na may dalang ballpen. "Pa-sign ate, please."
Bahagya itong natawa sa inasal ng kapatid niya.
"Can we finish our food first, Lira?" He butted in. "Hindi naman kami aalis ng ate Glenn mo."
Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Lira sa sinabi niya. Ngunit ilang sandali lang ay muling lumiwanag ang mukha nito.
"Okay," nakangiti pa nitong saad at saka muling bumalik sa kaniyang puwesto. Maganang ipinagpatuloy nito ang pagkain.
"Sorry about that. Masyado kasing bookworm ang isang 'yan kaya ganyan," bulong ni Jocen sa katabi.
"Okay lang," bulong naman nito pabalik. "Nakikita ko nga sa kaniya ang sarili ko."
"Really?" He whispered amused. Ngunit bago pa man makasagot ang katabi ay sumabat na ang kapatid niyang lalaki.
"Yeah," nakangiti itong nagbaling ng tingin sa kaniya. Her smile looked so genuine it reflected her beaming eyes.

BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...