INGAY NG cell phone ang gumising kay Glenn. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at inabot ang nag-iingay na aparato.
"Hello?" Inaantok pa niyang bungad sa caller.
"Where the hell are you?! Hindi ka umuwi rito kagabi?" Halos nagpa-panic na bungad ni JC sa kaniya. Nailayo niya ang aparato sa kaniyang tenga.
"Huwag kang sumigaw," aniya sa kaibigan. "I'm with Kyler."
"You're with whom?" Her voice toned down a bit. Na naipagpasalamat niya. Bumangon siya sa kama, kipkip ang kumot sa dibdib niya upang itago ang kahubdan niya.
"I'm with Kyler po," malambing niyang sagot sa kaibigan. "I'm fine, darling. You have nothing to worry about."
"You can't tell me not to worry about you, Gleanice Ysabelle," lumambot ang tinig nito sa sinabi. "Alam mo 'yan."
"I know, darling. Pero, okay lang ako. Pasensya na at hindi na ako nakapagpaalam sa'yo kahapon. Nakalimutan ko na kasi," nagi-guilty naman siya rito. "Sorry, darling."
Nagbuntong-hininga ang kaniyang kausap na tila ba sumusuko sa kaniya. Lalo lang naman siyang kinain ng guilt.
"It's okay. Nag-alala lang talaga ako." Tuluyan nang bumaba hanggang maging normal na timbre ng tinig nito. "When are you coming home?"
Glenn was about to answer when the door swung open. Jocen came in view with a smile on his lips. She returned his smile.
"I don't know. Can I stay a little longer here?" Kagat-labi niyang tanong sa kaibigan.
"Who's that?" Bulong ni Jocen kasabay ng pag-upo nito sa tabi niya.
"JC," tipid naman niyang sagot sa lalaki. Nagpatango-tango ang huli sa kaniya.
"Is that him?" Anang nasa kabilang linya.
"Yeah," may kasamang tangong sagot niya na para bang kaharap lang niya ang kausap.
"Okay. Sige na. At least, I know you're safe. Send my regards to your honey, okay?"
"Yeah, sure. You take care, okay?" Malambing niyang bilin sa kaibigan.
"Yeah. See you when I see you," paalam na nito at namatay na ang linya. Hindi na nito sinagot ang tanong niya.
"What did she say?"
"Hinanap niya lang ako. I feel guilty for making her worry," nakalabi niyang maktol sa lalaki. "Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kaniya."
"I'm sure, nag-alala lang talaga 'yon sa'yo. Don't feel guilty. Hindi mo naman sinadyang hindi magpaalam sa kaniya, 'di ba?" Pag-aalo naman ni Jocen sa kaniya.
"Yeah, but yo-"
"Sssh.." Jocen put a finger on her lips to cut her off. He lean closer to her and planted a sweet, delicate kiss on her lips. "Good morning, beautiful."
She managed to smile in between their kiss.
"How's your night?" Malambing na saad ni Jocen. Hindi niya maiwasang pamulahan sa sinabi nito.
"Wonderful," she replied in almost audible whisper.
"Very well," he planted a soft kiss on her lips once more. "Come on, we have a visitor downstairs."
Kipkip niya ang kumot, tumayo siya sa kama. Hinanap ng kaniyang mata ang mga damit niya. Ngunit nang makita niya itong nakatupi sa ibabaw ng sofa ay tila ayaw na niya itong suotin.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...