Thaw- LIII

178 8 0
                                    

   INIHATID NA lang nina JC at Glenn ng tanaw ang sasakyang kinalululanan ng mga kaibigan nila. Araw ng pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang tahanan. At kahit ayaw pa niyang umuwi ang mga ito ay wala naman siyang nagawa kung hindi ang payagan ang mga ito.

   "Pahirapan mo muna ang lalaking 'yon, ha?" Mahigpit na bilin ni Lei sa kaniya na Ipinagkibit-balikat lang niya.

   "Tara na sa loob," yaya ni JC sa kaniya nang mawala ang sasakyan sa kanilang paningin. Nakaakbay ang huli sa kaniya papasok ng kabahayan.

   Nasa sala lang naman ang kaniyang mag-aama. Nasanay na rin siya na natatagpuan ang lalaki sa loob ng silid niya tuwing umaga. Maging ang tanawing karga ng lalaki ang sino man sa anak nila ay kinasanayan na rin niya.

   "Bilib din talaga ako sa isang 'yan," bulong ni JC sa kaniya habang nakatayo sila sa may pintuan at pinanonood ang tanawing nasa harap nila. "Gagawin talaga ang lahat maging maayos lang ang lahat sa inyo ulit."

   Nilingon niya ang kaibigan na nakatanaw lang sa kaniyang mag-aama. Karga ng lalaki ang munti niyang prinsipe habang ihinehele ito.

   "Just look at him," wika muli ni JC. "The fucker is willing to do anything for you."

   "For his children," pagtatama niya sa sinabi nito.

   "Hindi ko alam kung bulag ka ba o ano, e. But the mere fact na pinagbigyan ka niya sa gusto mo, isang bagay na 'yon. He respects your decision. He respects your words."

   Tama ang kaibigan niya. Katulad nga ng hiningi niya ay pinabayaan siya nito. Kinikibo lang siya nito kung tungkol sa mga bata ang sasabihin.

   "And I admire him for that," humahangang saad nito. "You know what, hindi iilang beses kong nahuhuling nakatitig 'yan sa'yo na parang gustong-gusto ka nang lapitan. Pero nakikita ko pa rin ang pagpipigil niya dahil na rin sa ayaw niyang dagdagan ang gusot na kasalukuyan niyang inaayos sa pagitan niyong dalawa. Hindi rin iilang beses siyang nahuhuli kong nakatingin sa malayo na tila ba nandoon lahat ng kasagutan sa mga kinahaharap niya."

   Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. Mataman lang siyang nakatingin sa lalaking wala yatang malay sa presensya nilang dalawa.

   "Mahal ka niyan. Maniwala ka sa'kin. Kaya kapag kinausap ka ulit at nakipag-ayos, ayusin niyo na ang dapat ayusin. Alam ko namang mahal mo rin, e. Huwag kang matakot. Magtiwala ka sa kaniya at sa pagmamahal mo sa kaniya." Tinapik ni JC ang balikat niya bago siya nito iniwan.

   She was left speechless. Or maybe, can't find the right words to say. And that's a funny thing. She's a writer, but she's running out of words.

   Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang pag-ingit ng kaniyang anak. Bigla namang nataranta ang lalaki. Hindi nito malaman kung bibitawan ang kargang sanggol upang asikasuhin ang isa ngunit hindi naman maibaba. Takot marahil na magising ito. Napangiti na lang siya sa nasaksihan.

   It's not everyday that a certain Jocen Skyler Simon can ba rattled just because of a child. Her child at that. Their child.

   Lumapit siya sa kanilang prinsesa at binuhat ito. Isinayaw-sayaw niya ang sanggol upang tumahan ito sa pag-ingit.

   Narinig niya ang pagbuga ng hininga ng lalaki. Nangingiti na lang siya habang nakatitig sa kaniyang munting prinsesa. Nang tumahan ang sanggol ay dahan-dahan niya muli itong inilapag sa kuna.

   "Pakibantayan muna. Ihahanda ko lang ang paligo nila," aniyang hindi nakatingin dito.

   Iniwan niya ang lalaking nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Ni hindi na nga niya hinintay ang sagot nito.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon