Thaw-VIII

283 10 0
                                    

   "JC, COME on," muling pilit ni Glenn sa kaibigan sabay hatak sa kumot na nakatakip sa katawan nito.

   Matapos niya itong madatnang nakahiga lamang sa kama ay kinulit na niya ito ng kinulit. Ang kuwarto nito ay magulo pa sa magulo.

   "Darling please, I'm not in the mood for anything," tamad na tamad namang sagot ng huli. Tumalikod pa ito ng higa sa kaniya at saka muling nagtalukbong ng kumot.

   "Oh, come on! Alam ko 'yang kung ano mang nangyayaring yan sa'yo, kaya bumangon ka na riyan," aniyang lumayo sa kama at nagsimula na siyang pulutin ang mga nagkalat nitong gamit sa sahig.

   "For sure, nang iwan mo ako kanina nagkulong ka na naman dito maghapon," patuloy niya sa paglilitanya. "Kung alam ko lang na ito ang aabutan ko, hindi na kita hinayaang umalis sa unit kanina."

   Marahas na bumangon ang kaibigan niya na nakabusangot ang mukha. Nilingon niya ito at pinagtaasan ng kilay.

   "The last thing that I want right now is someone nagging at me. So please, spare with your sermon, darling," nakasimangot pa nitong saad. Nameywang naman siya sa harap nito at ngali-ngali itong irapan.

   "Baka gusto mong sabihin ko sa kanila na nagkakaganyan ka na naman nang matigil ka?" Pagbabanta niya rito. Ngunit hindi naman natinag ang kaibigan sa sinabi niya. Bagkus ay muli itong humiga pabagsak sa kama.

   "Hindi mo ako matatakot sa ganiyan. Alam kong sooner or later, malalaman din nila," saad niya ng nakapikit.

   Napabuntong hininga siya sa kaibigan. Lumapit siya sa kama nito at naupo sa tabi nito. Humilig siya palapit sa kaibigan at tinapik-tapik ang braso nito.

   "Ano ba kasi ang nangyari?" Hindi rin naman niya mapigil ang mag-alala rito. "Ilang buwan na rin ang nakalipas nang huling makita ka naming nagkakaganito."

   "Depression," tipid nitong sagot.

   "Sabi ko na nga ba," bulong niya halos sa sarili. Umayos siya ng higa sa tabi nito. "Come on, labas tayo."

   "Wala nga ako sa mood," JC said muffled.

   "Kailangan mong lumabas para malibang ka. Hindi puwedeng nagkukulong ka lang dito," banayad niyang saad sa kaibigan.

   "No, I want to be alone," patuloy nito sa bagot na boses.

   "And I can't leave you alone," agad naman niyang naisagot. "I know, sooner or later, magbe-break down ka na naman. And who'll be there to comfort you or shelter you? Wala. At ayokong mangyari 'yon sa'yo. Ayokong maramdaman mo ang pakiramdam ng nag-iisa."

   "I'm not alone. I don't feel alone. 'Cause I know, I have you. And them," JC said sincerely. But she didn't move a muscle.

   Umayos siya ng higa sa tabi nito. Inayos niya ang pagkakahiga nito sa tabi niya. Iniunan niya ang ulo nito sa kaniyang balikat at saka niyakap ng mahigpit. At parang batang nagsumiksik ang kaibigan sa kaniyang yakap at gumanti rin. At nawala na nga na parang bula sa hangin ang balak niyang magpakalasing.

   Patuloy pa rin ang mahinang pagtapik niya sa braso nito. Hanggang sa makatulog na siya sa tabi nito nang hindi niya namamalayan.

   Morning rolled fast. And the next thing she knew, she's alone in bed. Pupungas-pungas siyang napatingin orasan at muli siyang napabagsak sa kama nang makitang maaga pa.

   "Hey, bangon na. You're enjoying my bed too much already," tinig ni JC kasunod ng pagbukas ng pinto.

   "JC ang aga pa," reklamo niya sa kaibigan.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon