Thaw- XXX

173 7 0
                                    

   "I'LL JUST fetch you later, okay?" Paalam ni Jocen sa kaniya.

   "Sa shop mo na lang siguro ako sunduin," sagot naman ni Glenn sa kaniya. Hinawi ng lalaki ang ilang hibla ng buhok at iniipit ito sa likod ng kaniyang tenga.

   "Sure," aniya at hinalikan ang dalaga sa noo. Pababa sa ilong, sa pisngi at sa labi. Narinig niya ang biglang pagbukas ng pintuan ngunit hindi niya ito pinagkaabalahang lingunin.

   "Baka naman gusto niyo pumasok muna sa loob at sa kuwarto niyo na ituloy 'yan?"

   "Ang lakas talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to," bulong ni Glenn sa dibdib ng lalaki. Hindi na niya ito pinansin sa halip ay binalingan niya ang kaibigan nito.

   "May spare room ka ba?" Ngiti ni Jocen dito. Napaigtad pa siya nang maramdaman niya ang pinong kurot ni Glenn sa kaniyang tagiliran.

   "Oo naman. Soundproof din para wala kayong maistorbo," ngisi ni JC.

   "Sounds good," komento niyang hindi inalintana ang kurot ni Glenn.

   "O, siya, pasok kayo," anito at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Iniwan sila nito at ipinagpatuloy ang pagkakalikot nito sa laptop.

   "Papasok ka pa talaga?" Kunot ang noong saad ni Glenn.

   "Why? Ayaw mo ba? Hmm?" Paglalambing nito sa kaniya.

   "It's not that," nagpipigik ng ngiting sambit nito. "May lakad ka kasi, 'di ba?"

   "I can cancel that, anytime," matamang nakatitig siya sa dalaga.

   "Yeah. At paghintayin ang Mama mo hanggang sa madagdagan pa ang pagtatampo niya sa'yo," may paghahamon sa tinig na saad nito. Natawa siya ng manipis sa narinig.

   "You really know what to say," pinisil nito ang magkabilang pisngi niya kasabay ng mabilis na halik sa labi nito. "Pumasok ka na nga at baka hindi ako makapagpigil sa'yo, iuwi na naman kita."

   "Sira ka talaga," natatawang tinampal siya ito sa pisngi. "Sige na. Mag-iingat ka po."

   "Okay po," sagot naman niya. Nagkatawanan pa sila sa mga sarili nila. "See you later, hon."

   Isang matamis na ngiti lamang ang naitugon ni Glenn sa kaniya. Pinawalan niya ang dalaga at tuluyang lumayo rito. Bago pa siya lumulan sa elevator ay nilingon niya muna ang dalaga. Ngumiti ang huli sa kaniya at kumaway pa. He just mouthed his words and get into the lift and waited to close.

   Madali siyang nakababa ng gusali at kaagad na lumulan ng sasakyan. Pinasibad niya ito papalayo ng gusali. At makalipas lamang ang ilang minuto ay narating na niya ang kaniyang destinasyon.

   "Mom, kuya's here!" His little sister exclaimed and ran off towards him. Dinamba siya nito at nangunyapit sa kaniyang leeg.

   "Hey, Princess, get down. Ang bigat mo," natatawang reklamo niya sa kapatid.

   "I missed you, kuya. Bibihira ka na naming makita ni DJ. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" Nanunulis ang nguso na saad ng kaniyang kapatid. Hindi rin nito naitago ang pagtatampo sa tinig.

   "Naku naman ang prinsesita namin, nagtatampo," natatawang ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Nandito na ako, huwag ka nang magtampo."

   "Hindi lang ako ang nagtatampo, kuya. Even Mommy," dugtong pa nito. Nagpakawala siya ng hangin at tiningnan ang nakapinid na pinto.

   "Alam mo namang katatapos lang ng exhibit ko," pang-aalo na lang niya sa kapatid. "So, tara na sa loob," yakag niya sa kapatid. Nagbago ang timpla ng mukha ng huli. Nagtaka naman siya rito.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon