"DAHAN-DAHAN, baka mapaano si baby," ani Glenn sa kaibigan habang nakasunod sa mag-asawa. Karga-karga ni JC ang sanggol papasok ng bahay. Matapos obserbahan ang mag-ina ng ilang araw sa hospital ay pinayagan na ring umuwi.
"JC, 'yang baby ko ingatan mo ha? Papatayin talaga kita kapag nagalusan 'yan," banta ni Lei sa kaibigan nilang may hawak sa anak nito.
"Huwag kang mag-alala. Ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag nangyari ang sinasabi mo," paniniguro naman ng huli.
Sa totoo lang, maingat ang pagkakahawak ni JC sa anak ni Lei. Na para bang isa itong babasaging crystal.
"Akala ko papalitan mo eh," pagbibiro ni Glenn sa mga ito. Natawa naman ng bahagya si JC.
"Puwede rin naman. Kung papayag ba si Lei," nakakaloko namang sagot ng huli.
"Asa naman, JC," pagsusungit naman ni Lei.
"Nakapanganak ka na at lahat, ang sungit mo pa rin," natatawang sita ni Dean sa asawa.
Masaya niyang sinulyapan ang kaibigan niya. Masaya itong nakapanganak na at ganoon din siya para dito. At pihadong magiging magkasunod ang panganganak nila. Madalas na rin kasing sumakit ang tiyan niya. Handa na naman ang mga gamit niya kaya wala na siyang magiging problema.
"Tss.."
"Oh shit!" Biglang sambit ni JC na naitulos sa kinatatayuan nito. Nang lumingon ito sa kanila ay bakas ang pag-aalala sa mukha. Mabilis siyang lumapit sa mag-asawa at pinahawakan ang sanggol sa kaibigan nila. Lumapit ito sa kaniya at iniharang ang bulto ng katawan sa kaniya.
"What is it?" Kaagad naman niyang tanong. "What's the matter?"
"He's here."
Glenn stiffened and remain rooted on her spot. Emotions came rushing inside her that she can't utter even a single word.
"Come on," inakay siya ni Glenn paakyat ng ikalawang palapag nang hindi napapansin ng mga tao sa sala. Ang mag-asawang Lei at Dean ang nagtuloy sa sala. Hindi na niya inintindi kung sino-sino ang mga nasa sala. Nagpatianod na lang siya sa kaibigan.
"I'm not yet ready to face him," wala sa loob na saad niya nang makapasok sila sa silid.
"I know. Your reaction is enough proof," JC commented. Iniupo siya nito sa kama. "Pero hindi naman siguro nawala sa isip mo na sooner or later, magkakaharap pa rin kayo."
"I know," she sighed heavily. "What is he doing here, anyway?" Nagtataka niyang tanong sa kaibigan. "Hindi niya alam kung nasaan ako. At sa lahat pa talaga ng lugar, dito pa? Sa bahay ng mga magulang ko pa talaga?"
Kibit-balikat ang isinagot sa kaniya ni JC. Lalong tumindi ang pagdududa niya.
"Huwag mo na munang isipin 'yon," malumanay na saad ni JC. "Magpahinga ka na."
Tumayo na ang huli upang lumabas ng silid. Ngunit kaagad niyang hinagip ang kamay nito dahilan upang lingunin siya ng huli.
"Don't leave me, please?" Sumamo niya sa kaibigan.
"Hindi kita iiwan. May kukun-"
"Dito ka lang. Samahan mo ako rito. Ayokong mag-isa."
"Sige," sang-ayon nito. Umayos sila ng upo sa kama at sandal sa headboard. Ang kalahati ng katawan nila ay nabalot sa kumot samantalang ang kalahati naman ay nakayakap sa kaibigan niya.
Hindi siya umiimik. Nanatili namang nakayakap sa kaniya ang kaibigan. Maya't maya din ang haplos nito sa braso niya.
"Hindi pa ako handang harapin siya," aniya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...