"BAKIT BA kasi hindi na lang kayo magpakasal pagkatapos mo manganak?" Naitanong ni Glenn sa kaibigan nang magpahinga sila mula sa wedding rehearsal.
"Lumabas na nga ang panganay ko na hindi Esquillo, pati ba naman ang magiging pangalawa ko?"
"Oo nga naman," sang-ayon naman niya.
"So, kumusta naman kayo ni Jocen?" Tanong ng kaibigan. May bahid ng panunudya ang tinig nito. Naghatid naman ng ngiti sa kaniya ang simpleng tanong ng huli. At mula sa kinauupuan niya ay tinanaw niya ang ang lalaking tinutukoy ng kaibigan.
"Ayos lang naman kami," sagot niya nang hindi inaalis ang mga mata sa lalaking kausap ni JC. Seryosong nag-uusap ang dalawa.
"Alam mo, para kang ako kung pakitunguhan si Jocen," napalingon siya sa kaibigan at sumalubong sa kaniya ang masayang ngiti nito. "Even the way you look and smile at him."
"How can you say so?"
"Trust me, I'm the one at the sideways. So I get to see everything," makahulugan nitong saad. "And don't worry, alam nilang lahat kung ano ang sinasabi ko. Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam."
Wala siyang maintindihan sa sinasabi ng kaniyang kaibigan. Kaya naman nakikinig na lang siya sa kung ano man ang sabihin nito.
"Alam ko naman na kagagaling mo sa isang basag na relasyon. Pero, the way I see it, you're totally a different person when it comes to him. You're happier, livelier. May dahilan para ngumiti at maging masaya. Ganoon ka," anito. At halos buong sistema niya ay sumasang-ayon sa sinasabi ng kaibigan niya. "And look at that smile, ngayon ko lang 'yan nakita. Ngayon lang namin 'yan nakita."
Glenn wasn't even aware that she's smiling. Nagulat na lang siya nang sambitin ito ng kaibigan niya.
"See? You're not even aware that you're smiling," anito na tila ba nakatuklas ng sikreto, stating the obvious. Natawa na lang siya sa kaniyang sarili.
"Ang dami niyo pa lang napapansin na hindi ko alam na ginagawa ko," naiiling sa sarili niyang sabi.
"Yeah," sang-ayo na lang sa kaniya ng huli. "Tara na, magsimula na ulit tayo para matapos na 'to. Napapagod na ako," anito sabay hila sa kaniya patayo. Nagpatianod na lang siya sa paghila nito.
Pasikreto niyang pinagmasdan ang kaibigan. Happiness radiated on her face. Kahit ealang nakapintang ngiti sa mga labi nito ay bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha nito.
Nagsimula nang muli ang kanilang rehearsals sa pangunguna ng wedding coordinator ng magiging mag-asawa. Or rather, mag-asawa. Bigla namang sumagi sa isip niya ang naudlot niyang kasal. At kung natuloy siguro ang kasal niya noon, na naipagpasalamat niyang hindi, napapaisip siya kung ano ang naging kahinatnan ng buhay may-asawa niya.
Hindi man natuloy ay wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari. Sa halip ay naipagpasalamat na lang niyang hindi natuloy ang kasal niya. Dahil kung natuloy man iyon ay hindi niya makikilala ang lalaking sa tuwina ay namahay na sa puso niya. Parte na ng pagkatao niya. Bahagi na ng buhay niya.
Matapos ang mahigit tatlong oras ng rehearsals ay ipinasya nilang mag-uwian na. 'The bride needs a beauty rest,' ani JC na nakaakbay sa kaniya palabas ng simbahan. At sinang-ayunan naman nilang lahat ang sinabi nito.
"O, paano ba 'yan, see you the day after tomorrow na lang?" Ani Lei habang si Dean ay nakaalalay dito.
"Yeah, sure," sagot nilang magkakaibigan dito. Magkakasunod silang lumapit at isa-isang yumakap at humalik sa huli.
"See you. Take care," naibulong niya sa kaibigan. Tanging ngiti at tango lang naman ang naisagot sa kaniya ni Lei.
Nang si JC na ang lumapit dito ay binatukan muna nito ang huli bago gumanti ng yakap. Nagkatawanan na lang sila sa nangyayari. Wala namang magawa si JC sa kaibigan nila.

BINABASA MO ANG
Thaw
Fiksi UmumTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...