Thaw- XLVII

153 8 0
                                    

NADATNAN NILA ni JC at Glenn ang mga kaibigan nila sa sala. Kasama ng mga ito ang mga magulang at kakambal niya. Pawang mga tawanan ang pumupuno sa buong sala ng bahay nila.

Nakaalalay naman si JC sa bawat hakbang niya palapit sa mga ito. Ni walang nakapansin sa kanilang dalawa dahil abala sa pagtutugtugan ang mga ito.

"At ano naman ang ginagawa niyo rito?" Pag-agaw niya sa pansin ng mga ito.

"Gleanice!" They almost exclaimed all together. Nagsilapit sila sa kaniya at isa-isang yumakap. Maging ang mga bata ay yumakap rin sa kaniya.

"Gosh! Nakaka-miss kang babae ka," ani Lei na nangingilid ang mga luha. Yumakap ito sa kaniya.

"Hindi ka dapat sumama sa pagpunta rito. Kabuwanan mo na," malumanay niyang sita sa kaibigan. "Paano na lang kung napaanak ka sa daan?"

"As you can see, I've arrived here perfectly fine," anitong nakangiti pa. "And besides, na-miss ka namin. At alam naming hindi ka makakaluwas. Kaya ikaw na lang ang pinuntahan namin."

"Sa sobrang miss hindi mo na inisip ang kalagayan mo? Paano kung napaanak ka sa daan?" Patuloy niyang paglilitanya.

"That didn't happen, thank you," bawi naman ng huli. Nagbuga na lang siya ng hangin bilang senyales ng pagsuko.

"Tama na muna 'yan, join us instead," ani LJ at muling tinungo ang piano. Iginiya namqn siya paupo ni JC sa tabi ng kaniyang ina.

"Kumusta kayo mga inaanak ko?" Baling niya sa dalawang bata.

"I'm fine, 'Nang," saad ni Daze. "Excited to see my brother."

Napangiti naman siya sa narinig.

"How about you?" Baling niya sa panganay ni Lorenzo.

"I'm fine, too, Tita." Tipid namang sagot nito.

"Sorry, Ma, hindi ko kasi al-"

"Okay na, anak. Sinabi sa akin ni JC." Nakangiting sansala ng kaniyang ina. "At ayos lang talaga na nandito sila."

"Oo nga, anak. Nakakatuwa ang mga kaibigan mo," segunda naman ng kaniyang ama. Nakangiti siyang napabaling sa mga nagkakagulong kaibigan niya.

"Nakakatuwa talaga ang mga iyan. Kahit na napakagugulo nila," naiiling niyang naisambit.

"At parang hindi ka parte ng mga napakagugulong ito, a?" Biro naman ni Raz sa kaniya. Natawa na lang siya ng mahina sa mga ito.

"Kailan ka nga pala manganganak?" Biglang naitanong ni Lei.

"Para namang hindi kayo binabalitaan ni JC ah?"

"Wala akong tiwala sa mga sinasabi ni JC," biro pa ng huli.

"Wala ka talagang tiwala kay JC," natatawang saad ni Dean sa asawa. Nagkatawanan naman silang lahat sa sinabi nito.

"Sino ba kasi ang magtitiwala sa isang 'yan, e puro kahalayan lang naman ang alam niyan?" Muling banat ni Lei.

"Oo nga. Idagdag pang lagi na siyang naka-mura. Ni hindi nga yata mabubuhay ng isang araw 'yan nang hindi nagmumura eh," sambit naman ni Lorenzo. Wala namang maririnig mula kay JC dahil pawang katotohanan lang ang mga sinasabi ng mga kaibigan nila.

"Tama na 'yan. Pinapahiya niyo naman si JC sa pamilya ko eh," awat ni Glenn sa mga ito.

"Mabuti na iyong alam ng mga magulang mo ang ugali ng isang iyan. Baka akalain nila napakabait niyan," natatawang saad ni Lei.

"Mabait naman talaga siya, ah?" Saad ni Glenmoore. Napalingon silang lahat sa kakambal niya na tila ba isang sumpa ang binanggit niya. Napangisi an si JC sa reaksyon ng mga kaibigan niya.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon