Thaw- XVIII

199 10 0
                                    

   "I'M NOT sure, hon. May lakad ang banda mamaya," malambing na paliwanag ni Glenn sa kaniyang kausap sa kabilang linya.

   "Hmm, can't cancel it?"

   "Sorry, hon, I can't. Ilang araw na kasing hindi ako nakakasama sa mga lakad nila."

   "Ako rin, ilang araw ka ng hindi nakakasama." Hindi niya napigilan ang pagngiti nang maulinigan ang bahid ng pagtatampo sa tinig nito.

   "That's because we're both busy. Ako, sa editing ng librong ilalabas ko. Ikaw naman sa nalalapit na exhibit mo. Ganoon din ang mga kaibigan ko dahil may mga trabaho rin sila. Ngayon lang ang free time ko, so as with them. That's why I want to spend it with the band," mahaba niyang paliwanag dito.

   "And I want yo spend my free time with you, too," anito sa mababang tinig. "Hon.."

   Hearing him plead for her time struck something inside her. She let out a mouthful of air.

   "Why don't you just come with me, instead?" Mungkahi niya sa lalaki. "Para makilala mo na rin ang buong banda," kagat-labi niyang dagdag.

   "I like the idea."

   "Okay. Meet me at-"

   "Meet you? No, I'm going to fetch you. I'll be at your doorstep tonight," agap nito sa sasabihin niya.

   "Okay," nangingiting sang-ayon niya. "Seven o'clock, sharp."

   "Okay. See you then, honey," malambing na sang-ayon ng lalaki. Nakagat niya ang labi upang pigilin ang pagsilay ng kaniyang ngiti.

   "Yeah. See you," halos pabulong na paalam niya sa lalaki. Ibinaba niya ang aparato nang mawala sa linya ang kausap.

   Kinapa niya ang dibdib nang maramdamang tila lalabas ang kaniyang puso sa lakas ng pagpintig nito. Hindi rin niya maikaila ang kilig na kaniyang nararamdaman. Ngunit hindi niya alam sa sarili kung dapat ba niyang maramdaman ang mga ito sa lalaki.

   Napailing siya upang iwaksi ang tanong na pumasok sa kaniyang isipan. Hindi mahalaga kung ano man ang nararamdaman niya. Sa ngayon.

   "ANG SABI niya sa'kin may kasama raw siya," ani LJ sa kaniyang mga kasama.

   "Sino naman kaya ang kasama niy?" Lei asked with no one in particular. Kasama nito ang mapapangasawa na tahimik lang sa tabi.

   "Don't tell me, si AJ ang kasam-"

   "Hindi ang gagong iyon ang kasama niya," madiing sansala ni JC sa sasabihin ni Raz. Kasama rin nito ang asawa na nakamasid lang sa kanila. Huli na nang mapagtanto niya ang naging reaksiyon niya.

   "And what's that suppose to mean, JC?" Napahalukipkip na tanong ni LJ sa kaniya.

   "May dapat ba kaming malaman?" Segunda naman ni Lei. Nakataas na rin ang kilay nito. Nang hindi siya umimik ay nagsalita na rin si Raz.

   "We're waiting, Arellano," may pagbabanta sa tinig nito na tila ba hindi niya magugustuhan ang susunod na mangyayari kapag hindi siya nagsalita.

   "Wala akong dapat sabihin sa inyo dahil hindi dapat, nandito na sila," anunsyo niya nang matanawan ang magkaparehang bagong dating.

   Lahat sila ay napalingon sa kung saan nakatutok ang mga mata ni JC. Naglabasan ang mga 'oh' sa labi nga mga kaibigan nito nang matanawan kung sino ang kasama ni Glenn.

   "Sino 'yan?" Tanong ni Lei na siyang unang nakabawi.

   "Palapit na sila, hintauin mo na lang na si Glenn ang magsabi sa inyo kung sino man 'yan," suplada niyang sagot.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon