SHE RELUCTANTLY pulled away from the glasses guy and turned to look at whoever it is behind her. A smirking JC welcomed her eyes.
"Hey," patay malisya niyang bati sa huli. Lumapit ito sa kaniya nang nakangisi pa rin.
"Hello to you too, darling," anito at saka umakbay sa kaniya. Bahagya pa nitong tinapunan ng tingin ang lalaking kanina ay kaharap niya. "You seem to be having fun," bulong pa nito.
"Well, I am. Not until you interrupted," simpleng sagot naman niya. Napahalakhak lang naman ito ng manipis sa kaniya.
Hinarap nila ang lalaki sa kaniyang tabi. Mataman pa itong pinagmasdan ng kaibigan bago magsalita.
"Hey," bati ni JC dito.
"Hi," ganti naman nito nang may tipid na ngiti sa labi at saka inilahad ang palad. "Jocen Skyler."
Tinanggap ng kaibigan ang pakikipagkamay nito at nagpakilala. Hindi na niya pinansin ang pag-uusap nila. Sa halip ay nagsimula ulit siyang magsalin ng alak sa kaniyang baso.
"Darling, dahan-dahan, baka hindi ka na makauwi niyan," malambing na paalala ni JC sa kaniya. Napasulyap siya sa kaibigan ngunit hindi sinasadyang mapagawi sa lalaki ang tingin niya.
Ang mga malamlam nitong mata ay napalitan ng pagkalito. Ngunit hindi niya alam kung saan.
"Kaya ko pa naman," sagot niyang sa lalaki nakatingin. At katulad ng ginawa niya ay muli niyang tinungga ang baso nang hindi inaalis ang mga mata sa lalaki.
"Matunaw 'yan," natatawang saad ni JC sa kaniya. Marahil ay napansin nito ang pagtitig niya sa lalaki.
"Ayaw nga matunaw eh, kanina pa," sagot niyang bahagyang nakaangat ang isang sulok ng labi.
"Ibang klase ka rin," anitong tatawa-tawa sa kaniya. Napailing siya sa kaibigan at muling nagsalin ng alak sa baso.
"May relasyon ba kayo?" Biglang tanong ng lalaki. Nilingon niya ito at nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at kay JC. Ngunit sa huli ay napako ang tingin niya kay JC. Halatang nagpipigil itong mapabunghalit ng tawa dahil sa sinabi ng lalaki. Pinandilatan niya ito ng mga mata kaya naman pilit itong nagpakapormal.
"Well, what do you think?" JC said suppressing a smile. Samantalang siya ay hindi niya pinansin ang mga tingin ng lalaki na nakapako sa kaniya.
"Sa kilos mo, parang may something sa inyo," anito. Tuluyan nang napabunghalit ng tawa si JC sa narinig at saka ito napailing-iling.
"I'll be going down now, Darling. May kakausapin kasi ako sa baba eh," paalam nito sa kaniya na may kasama pang pagkindat. At tila ba alam na niya ang gusto nitong mangyari.
"Iiwanan mo talaga ako sa gitna ng kalokohang ginawa mo?" Kulang na lang ay singhalan niya ito. Ngunit ang mukha ay wala pa ring emosyon.
"Kaya mo na 'yan, darling. Ikaw pa?" Kumindat pa ito ng nakakloko sa kaniya. Hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin.
PINANOOD NI Skyler ang muling paglagok nito ng alak bago bumaling ng tingin sa kaniya. Nang magsalubong ang tingin nila ay tila may kuryenteng nagkislapan sa paligid nila. At hindi niya rin magawang ialis ang tingin niya sa mga mata nito. And her eyes alone gives him foreign feelings inside.
"What gave you the idea of us having a relationship?" Tanong nitong umagaw sa atensiyon niya. Hindi kababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha nito.
"She seem so sweet with you," sagot niyang nagkibit balikat. At kahit gusto niyang balewalain ang walang gana nitong pagtatanong sa kaniya ngunit parang gusto niyang mairita sa inaakto nito.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...