MATAPOS ANG pagbisita ni Jocen sa dalaga ay nasundan pa ito nang nasundan. At hindi man niya aminin ay parang mas nadagdagan ng sigla ang buhay niya. Gumagaan din ang pakiramdam niya sa tuwing naiisip niya ang dalaga. Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi nang sumingit sa kaniyang balintataw ang mukha ng dalaga.
"Kuya, para kang tanga riyan," puna ng bunsong kapatid niyang babae.
"At bakit naman ako nagmukhang tanga?" Naguguluhang tanong niya sa kapatid. Inayos niya ang salamin sa mga mata at sinulyapan ang kapatid.
"Kasi po, nakangiti ka riyan na para bang nakatira ka ng kung ano." Anang kapatid.
"Hayaan mo na 'yang isang 'yan, in love eh," pang-aalaska naman ng nakababata nitong kapatid na lalaki.
"Kapag pala nagmahal ka mukha kang tanga?"
"Oo naman. Given na 'yon, ang magmukhang tanga kapag in love ka," muling sambit ng kapatid niyang lalaki. "Love is all about stupidity and idiocy. At saka hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita natin siyang ganiyan."
"Agree," sang-ayon ng kapatid na babae. "Mas malala nga lang ngayon."
Nagtawanan ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Tumayo siya sa kinauupuan at pinagbabatukan ang mga kapatid.
"Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niyo. Ang babata niyo pa, ah," aniya sa mga kapatid. Tinatawanan pa rin naman siya ng mga ito.
"Paano ba naman kasi, kuya. Kung makikita mo lang ang itsura mo diyan. Hindi namin alam kung may nakikita ka bang nakakatuwa sa laptop mo o ano at ganiyan na lang kung makangiti ka," mahabang hayag ng kapatid niyang lalaki. "'Tsaka, kapag bata hindi dapat nagsasalita ng mga ganoon?"
"Oo nga naman kuya. Salita lang naman eh," hagikgik ng kapatid niyang babae. "Idagdag pang para kang nakahithit diyan," natatawang segunda pa nito.
"Eh kung pagbuhulin ko kaya kayong dalawa?" Sinamaan niya ng tingin ang mga kapatid.
"Sabi ko nga po tatahimik na," ngisi ng lalaki sa kaniya.
"Pero mukhang maganda naman ang nangyayari sa'yo, kuya kaya ayos lang," hirit pa rin ng babaeng kapatid niya.
"Ewan ko sa inyo," panunuplado niya sa mga ito.
"Uy, nagsuplado ang kuya," hagikgik pa ng babae nitong kapatid.
Napailing na lang siya sa kalokohan ng mga kapatid niya. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawang disenyo ng bahay.
"Kuya, may nakita nga pala ako sa phone mo kagabi," agaw pansin ng kapatid niya.
"At ano naman ang nakita mo?" Aniyang hindi inaalis ang mga mata sa kaniyang ginagawa. Napasulyap pa siya sa aparato na nasa tabi ng laptop niya.
"May nakita kasi akong picture ng magandang babae. 'Tapos nakalagay sa baba ng picture 'honey'."
Marahas siyang napalingon sa kapatid. Patay-malisya itong nakatutok ang mga mata sa telebisyon.
"Siya ba 'yon, kuya?" Sunod na tanong ng kapatid niyang lalaki.
"At bakit mo naman pinakialaman ang cell phone ko, Lira?" Aniya sa kapatid sa halip na sagutin ang tanong nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya rito o ano.
"Naiinis ka na niyan, kuya?" Pang-aasar pa ng huli. Tumayo siya sa kinauupuan at tumabi sa kapatid.
"Alam mo, ateng makulit, hindi mo dapat pinapakialaman ang gamit ng iba. Lalo na kapag personal," aniya sa kapatid at saka ito iankbayan. "Paano na lang kung may itinatago na pala akong hubad na larawan doon?"
BINABASA MO ANG
Thaw
Genel KurguTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...