Thaw- XXVIII

178 7 0
                                    

    NAPATINGIN SA kanila ang grupo na nakaupo malapit sa munting entablado. Nakita ni Jocen ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Glenn nang matanawan ang mga ito.

   Hinawakan ng dalaga ang kamay niya kasabay ng paghila sa kaniya palapit sa grupo. Nakamata sa kanila ang mga ito, o mas tamang sabihing, nakamata ang mga ito sa magkahugpong na mga kamay nila.

   "Good evening, guys!" Masiglang bati ni Glenn sa grupo. Isa-isang nagtayuan ang mga ito at humalik sa pisngi ng kaniyang kasama. Tanging si JC lamang ang nakilala niya sa mga ito, kahit pa nagdalawang-isip siya kung si JC nga ba ang nakikita niya. At isang ideya na ang nabuo sa kaniyang isipan.

   "This is Jocen Skyler," pagpapakilala nito sa kaniya. Natuon ang pansin ng mga kasama nila sa kaniya. "Kyler, this is my family."

   "Hi." Jocen simply greeted. Ilang sandali pa bago nakahuma ang mga ito at isa-isang nagpakilala sa kaniya.

   "Hi! I'm LJ." Inilahad pa nito ang kamay sa kaniya. Kaagad naman niya itong inabot.

   "Jocen." Nakangiting tipid niyang sambit.

   "Ako naman si Lei, and this man beside me is my husband, Dean Andrew."

   "Nice to meet you," baling naman niya sa mga ito na may kasamang pakikipagkamay.

   "I'm Brazille. And this is my husband, Lorenzo."

   "Hi." Kinamayan niya rin ang mag-asawa.

   "And of course, you already knew JC," baling nito sa kaibigan. Tanging tango lang naman ang naibigay niua sa huli.

   "Mukhang hindi makakadalo ang nag-iisang triton ng banda," puna ni JC na nananahimik sa tabi. Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at hindi na ibinalik ang pagbati niya.

   "Naman. Lagi na yatang missing-in-action ang isang 'yon?" Puna ni Lei.

   "Hayaan niyo na. Baka may kailangang asikasuhin." Sabad naman ni JC.

   "Wow! Dinidepensahan mo yata si Kiel ngayon?" Nakataas ang kilay ni Brazille sa huli. Kibit-balikat naman ang isinagot ni JC sa kaniya. "And besides, hindi lang naman si Kiel ang MIA these past few days." 

   Pare-parehong tinunton ng mga mata nila si Glenn na namumula pa rin ang mukha. Kitang-kita ito sa malamlam na ilaw na bumabalot sa loob ng silid.

   "Have a sit," ani LJ. Hindi na nila ipinagpatuloy pa ang pagpaparinig sa kaibigan.

   Nanatiling nakatayo si Jocen samantalang nagsiupuan na ang mga kasama nila. Nagtatakang tiningala siya ni Glenn.

   "Oh, wait. I'll get you a chair," anito at madaling tumayo.

   "Hon, huwag na," pigil naman niya sa dalaga. Namula ang dalaga sa itinawag niya rito.

   "Saan ka uupo?"

   At sa halip na saagutin ito ay siya ang naupo sa silya nito at hinila ang huli paupo sa kandungan niya. Ganoon na lamang ang gulat nito sa kaniyang ginawa.

   "WHAT ARE you doing?" Sita niya sa lalaki. Dinig niya ang impit na hagikgikan ng mga kasama nila sa lamesa. Dahilan upang lalong mamula ang mukha niya.

   "I'm sitting. What else should I be doing?" Cool na sabi lang nito. Kulang na lang ay itago niya ang mukha niya sa ilalim ng lamesa sa pagkakayuko.

   "Alam ko, pero hindi naman kailangang kandungin mo ako. Nakakahiya, Kyler," hiyang-hiya niyang bulong kay Jocen kasabay ng pagsubsob nito sa dibdib nito.

   "Nahihiya ka pa talaga?" Natatawa nitong sambit sa kaniya. "At saka, ano ba dapat ang ikahiya mo? It's not as if we're doing something displeasing yo the eyes."

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon