"NO, YOU should play it more gently," saway ni Glenn kay JC. Kasalukuyan niya itong tinuturuang mag-piano. Nakikinig naman ang kaniyang kakambal kasama ng kaniyang mga magulang. "Gently, JC. Dahan-dahan, JC, wala kang hinahabol. Dapat sakto ang sukat niyan."
JC grunted and stopped playing. Nagbuga ito ng hangin at mariing ipinikit ang mga mata. Nang muli itong magmulat ay muli nitong sinimulan ang pagtugtog. Napangiti si Glenn sa kaibigan. Sinunod nito ang mga sinabi niya.
"You really are a fast learner," humahangang saad niya sa kaibigan. "Monster."
"Magaling kasi ang nagtuturo," anitong nakangisi. "Magandang halimaw."
"No, seriously. Hindi ka man 'yong magaling agad, pero alam ko kaagad 'yong piyesa eh," aniyang nakatutok ang paggalaw ng mga daliri nito sa puting tiles ng piano. Nasisiyahan siya sa naririnig sa kaibigan.
"Noong tinuruan ka ni Raz maggitara, ilang sessions lang din kayo. Noong nagsimula kang mag-drums, ganoon din. Ngayon sa piano naman. I'm sure LJ will be proud of you," may pagmamalaki sa tinig ng kaibigan.
"Are you not?" Panunukso nito. She chuckled at her.
"Of course, I am. Ang bilis mo kayang matuto."
"I feel so flattered, darling. Stop it, baka lumaki ang ulo ko," natatawang ani ng kaibigan. "Though may isa talaga akong kantang gustong aralin sa piano."
"What is it?" Kaagad na nakuha nito ang interes niya. "Malay mo naman alam ko."
"I'm sure, alam mo 'yon," anito. Bigla-bigla'y nabahiran ng lungkot ang mga mata nito. "Pero, huwag na muna ngayon. Okay na ako sa itinuro mo."
"Sigurado ka?" Paniniguro niya. Mamamatay na yata siya sa sobrang curiousity. But she knows JC. Kapag sinabi nitong huwag muna, paninindigan talaga nito.
"Yeah. Turuan mo na lang ako ng iba pa," anito. And she's more than willing to teach her more. Natigil lang ang piano lesson nila nang ianunsyong nakahanda na ang hapag para sa kanila. Dumulog sila sa hapag, kasama na rin ng mga kasambahay nila. Tila naman nagningning ang mga mata ni Glenn nang makita ang mga pagkain sa hapag.
"Laway mo, darling," biro sa kaniya ni JC. "Mukha kang PG." Natatawa pa nitong dagdag. Ipinaghila siya nito ng upuan bago umupo sa kaniyang tabi. Nasa kabisera ang kaniyang ama at sa kaliwa naman ang kaniyang ina. Katabi nito ang kaniyang kakambal na siya namang katabi ng ilan nilang kasambahay.
Ipinaglagay siya ni JC ng pagkain. Ngunit nang hindi siya masiyahan sa inilagay nito ay dinagdagan pa niya.
"Nagbababoy, darling?" Tukso nito. Inirapan niya lang ito at saka nagsimula nang kumain. Napapasarap ang kain niya kaya naman hindi niya pansin ang mga kasalo niyang nakanganga sa kaniya. Unang nakabawi si JC at ipinaglagay muli siya ng pagkain.
"Anak, dahan-dahan naman. Baka naman mapaano ka?" Ani ng kaniyang ina na nangingiti sa kaniya.
"Gleanice, noong isang araw ka pa ganyan ah."
"Okay lang po ako, Ma. Ang sarap kasi kumain eh," sagot niya habang ngumunguya.
"So messy," ani JC at saka pinunasan ang bibig niya. Ngumiti lang siya rito.
"O, bakit 'di pa kayo kumain? Bahala kayo, mauubos ko na 'to," aniyang siyang-siya sa pagkain.
"Nakakabusog ka kasing panoorin, kambal," nangingiting saad naman ng kapatid niya.
"Kumain na kayo," aniya. Tahimik namang tumalima ang mga kasalo niya. Walang ibang maririnig kung hindi ang kalansing ng kubyertos nila.
"Parang gusto ko ng ice cream. Ube flavor," basag ni Glenn sa katahimikan. Napatingin naman ang mga kasama niya sa hapag sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67472617-288-k573926.jpg)
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...