Thaw- XXXII

188 10 0
                                    

"OH, I'M glad na dito ka iniuwi ni Jocen, hija," magiliw na saad ng ina ni Jocen sa kaniya.

Nasa harapan sila ng hapag. Ang ama ng lalaki ang nasa kabisera at nasa kaliwa naman nito ang ina ng lalaki. Samantalang ang dalawang kapatid nito ay nasa kanan ng kaniyang ina. Na siyang kaharap nila.

"Hay naku, ate, kung alam mo lang kung paano kulitun ni Mommy si kuya na iuwi ka rito," nakangiting saad naman ni Lira sa gitna ng pagsubo.

"Yes, katakut-takot na pilitan at kumbinsihan ang nangyari," tawa naman ni DJ.

"Pagpasensyahan mo na ang esposa ko, hija. Sadyang nasasabik lang 'yan sa mga nagiging karelasyon ng panganay namin," sabat naman ng ama ni Jocen. Ngumiti siya sa mga ito.

"Okay lang naman po sa akin, tito," sagot naman niya.

"So, bakit hindi na lang kayo dito tumira ng anak ko?" Anang ginang Simon. Namilog ang mga mata niya sa narinig.

"Mom!" Gulat ding saad ni Jocen sa na nasa kaniyang tabi.

"Anak, I was just suggesting. Calm down," tila wala lang na tumawa pa ang ginang.

"I'd be glad, actually," sagot niya sa kabila ng pamumula ng kaniyang mukha. "But I don't know if JC would agree with the idea."

"And who is this JC?"

"My friend, tita." Nakangiti niyang sambit.

"Friend mo lang ba talaga?" May pagdududang tanong ng ginang. Natawa siya ng bahagya sa narinig.

"Oo naman po, tita," nakangiti niyang kumpirma. "But knowing her, she's always supportive. Basta alam niyang safe ako."

"And you'll be safe here, hija. Super safe," natutuwang saad ng ginang. Ibig-ibig niyang matawa sa ginang ngunit idinaan na lamang niya sa ngiti.

"Are you sure about that?" Bulong ni Jocen sa kaniya.

"Of course, Kyler. Besides, nami-miss ko na rin naman ang pakiramdam na may nakagigisnan akong pamilya sa tuwing gigusing ako." Bulong naman niya sa lalaki.

"Okay, if that's what you want." Nangingiting sang-ayon kaagad ng lalaki. Bakas ang tuwa sa mukha nito kahit na hindi ito magsalita.

"Iyon naman pala, anak." Maaliwalas ang mukhang saad na ginang na magkadaop ang mga palad. At kulang na lang ay magpapalakpak ito sa tuwa. "It's settled, then."

Napangiti na lang siya sa ginang at maganang ipinagpatuloy ang pagkain.

Larawan ng isang masayang pamilya ang pamilya ni Jocen. At nakaramdam siya ng inggit dahil kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pakiramdam na kumpleto ang pamilya niya. Kahit pa sabihing lagi niyang kasama ang mga magulang niya. Ang mga nakagisnan niyang magulang. At kahit ang posibilidad na sinabi ni JC sa kaniya na posibleng kamag-anak niya ang lalaking nakatitig sa kaniya ay hindi niya mabalewala.

Iwinaksi niya ang isiping iyon at nagpatuloy na lang siya sa pagkain.

"WHAT ARE you thinking?" Ani Jocen na nakayakap mula sa likod niya. Nakabaon ang kalahati ng mukha nito sa leeg niya.

"Wala naman," kaila niya sa lalaki. Ngunit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kawalan.

Nakatayo sila sa terasa ng silid ng lalaki, sa gitna ng dilim sa ilalim ng buwan. Tanging ingay ng mga kulisap at pagaspas ng hangin ang naririnig nila sa paligid.

"You're not good at lying, do you know that?" Natatawang saad ng lalaki.

"Yes, I know," matabang niyang saad. "Hindi naman kasi talaga ako marunong magsinungaling. Minsan kasi, may mga bagay lang talaga na hindi na kailangang sabihin pa sa iba at sarilinin na lang."

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon