NAALIMPUNGATAN SI Glenn sa ingay na nagmumula sa unang palapag ng bahay. Pawang mga tawanan ang mga naririnig niya mula sa nakapinid na pinto. Lumingon siya sa bedside table. Past four na ng hapon, hindi niya namalayan na nakatulog siya.
"Saan ba ako nakatulog?" Bulong niya sa sarili. "I can't remember falling asleep on the bed."
Bumangon siya sa kama at nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Sa pagdampi ng tubig sa kaniyang balat ay naengganyo na siyang maligo.
Matapos niyang maligo ay kaagad siyang nag-ayos ng sarili. Simpleng t-shirt at shorts lang ang suot niya. Lumabas siya ng silid na tumutulo pa ang tubig sa buhok at sinundan ang pinagmumulan ng ingay.
Natagpuan niya ang mga ito sa kusina. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki. May katabi itong binatilyo. Samantalang kaharap naman nito si Nana Flor at isa pang dalagita.
Huminto siya sa pinto at sumandal sa hamba nito. Pinanood niya ang mga itong natatawanan at pinagkasya ang sarili sa pakikinig sa mga ito.
"Naku, kuya, totoo naman eh," nakangiting saad ng dalagita. "Ubod ka ng torpe. Nagtaka nga ako nang sabihin ni nanay na may kasama kang magandang babae, e."
"Sinabi mo pa," tatawa-tawang sang-ayon naman ng binatilyo. Napakamot sa batok ang lalaki. At kahit hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki ay alam niyang namumula ito sa hiya.
"'Di ba nga, 'Nay, pinagtutulakan pa 'yan para lang makapag-asawa." Nakuha nito ang atensyon niya sa sinabi ng dalagita. Akma namang sasagot ang ginang nang matanawan siyang nakasandal sa may hamba ng pintuan.
"O, hija, nandiyan ka pala. Halika, saluhan mo kami sa meryenda," anang ginang kasabay ng pagtayo at sabay mosyon sa kaniya. "Sigurado, gutom ka na."
Kumalam ang sikmura niya nang marinig ang huling sinabi nito. Napatingin siya sa ginang at napangiti. Tumayo ang ginang upang ipaghanda siya ng makakain. Umupo siya sa tabi ng lalaki. Nakamasid naman sa kaniya ang dalawa pang kasama nila. Nakangiti ang dalagitang kaharap nila sa mesa samantalang may isinesenyas naman ang binatilyo rito.
"Good morning," pabirong bati ng binata sa kaniya. Humarap ito ng upo sa kaniya.
"I can't even remember falling asleep," bulong niya sa lalaki at pasimpleng hinalikan sa pisngi ang huli. "How did I even get to bed?"
Bakas ang pagkabigla sa mukha ng lalaki sa kaniyang ginawa. Ngunit hindi naman nagtagal ay napangiti ito sa kaniya.
"Tinulugan mo lang naman ako sa gitna ng pagkukuwento ko," anang lalaki sa kaniya.
"Goodness!" She exclaimed and burry her face in Jocen's chest. "Bakit hindi mo ako ginising?"
"Alam ko kasing pagod ka sa biyahe natin. Kaya hinayaan na kitang matulog," hinagod nito ang basa pa niyang buhok. Nakabaon pa rin ang mukha niya sa dibdib ng lalaki. Tahimik ang kanilang paligid kaya naman ipinasya niyang tingnan kung ano ang nangyayari.
Nakangiti ang mga ito nang mabungaran niya. Nahawa siya sa ngiti ng mga ito kaya naman napangiti siya. Maging ang ginang ay hindi niya namalayang umupo sa harapan nila. Humagikgik ang dalagita na tila ba ito kinikilig. Katabi nito ang binatilyong kanina ay katabi ni Jocen at nakangiti ito ng maluwag sa kanila.
"Hi!" Masiglang bati niya sa mga ito.
"Hi ate!" Ganting bati naman ng dalagita na may kasama pang pagkaway. "Naku, kuya, I'm hearing wedding bells again!"
Nabigla siya sa narinig mula sa dalagita. She turned her head to her on abrupt manner. Nanlalaki ang mga mata niyang napapatitig dito. Nakangiti lang ito sa kaniya. Hindi niya nasundan ang naging pangyayari dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...