"TANGINA MO ka kasing hayop ka. Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating tarantado, hindi mo dapat inilihim ang bagay na 'yon," tinig ng kaibigan na siyang nabungaran niya nang makababa sa sala. Halatang asar na asar ito sa kausap.
"Good morning, darling," bati niya rito upang agawin ang pansin nito. Siya na rin ang humalik sa pisngi ng huli dahil natigilan pa ito sa kaniya. Nang makabawi naman ito ay humalik din ito sa pisngi niya.
"Hi, good morning," anito at inakbayan pa siya. Hindi nito inaalis ang aparato sa tapat ng tenga.
"Sino 'yang kausap mo at ang aga-aga nagmumura ka?" she asked, curiously.
"Isa sa mga kaibigan kong tarantado. May ipinapagawa kasi sa akin. Kung makapag-utos, akala mo kung sino," may halos sarkasmo ang tinig nito na halata namang ipinaparinig sa ksausap nito sa kabilang linya. Natatawa na lang siya sa kaibigan niya.
"Samahan mo naman akong kumain, please?" Paglalambing niya sa kaibigan. "Nasaan nga pala sila?"
Nagsimula na siyang maglakad at alam niyang nakasunod naman ang kaibigan niya.
"Mamaya na ulit tayo mag-usap na hayop ka. Nasisira ang araw ko dahil sa'yo," saad muna nito sa kausap sa cell phone bago siya binalingan. "Ang mag-asawang Lei at Dean, nasa kubo kasama ang mga bata. The others went out. Mamamasyal daw."
Ipinaghila siya nito ng upuan at naupo na rin ito sa tabi niya. Ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato. Ganoon din ang ginawa nito sa platong nasa harap.
"Hindi ka pa kumain?" Takang tanong niya nang magsimula rin itong kumain.
"Hindi pa. Hinintay talaga kita. Ayokong kumain ka ng mag-isa," dire-diretsong sagot nito bago sumubo. Lumobo naman ang puso niya sa sinabi nito.
"Ang sweet mo talaga," nangingiti niyang saad. Hindi naman kumibo ang huli sa sinabi niya. Alam niyang nahihiya ito kapag ganoon ang nagiging komento nila sa kaniya dahil pilit nitong iginigiit sa kanila na hindi naman daw siya sweet.
"Sumasakit na ang tiyan ni Lei. Baka dito na manganak 'yon," anito sa kaniya.
"Well, kung hindi ba naman kasi matigas ang ulo ng isang 'yon at hindi na sumama pa rito. Sana hindi siya rito manganganak," komento naman niya. "Alam naman na kasi niyang kabuwanan na niya, biyahe pa ng biyahe."
"At kung nagpaiwan naman ako, hindi kita makikita kung maayos ka ba. Mas mabuti nang nandito rin ako," maypagtataray sa tinig ng kaibigang papasok pa lang ng dining area. Nakaalalay dito ang asawa.
"Tigas talaga ng ulo," irap niya sa kaibigan.
"Good morning to you too, Gleanice," saad na lang nito.
"Water please," ani Lei sa asawa. Kaagad naman itong sinunod ng asawa. Nakasunod naman ang mga mata niya sa bawat kilos ng mag-asawa.
The way Lei smile at Dean was way beyond happy. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito habang nakatingin sa lalaki. Maging ang saya sa mukha nito ay hindi maipagkakaila.
"Tumigil nga kayo sa paglalandian dito. Naiinggit lang ako sa inyo e. Doon kayo maglandian sa walang makakaita sa inyo," sita ni JC sa mag-asawa. Nagulat na lang siya sa pagsita nito sa mag-asawa.
"Mag-asawa ka na rin kasi nang hindi ka naiinggit," natatawa namang sagit ni Dean sa huli.
"Kung ihinahanap mo na ako ng mapapangasawa, natutuwa pa ako. At nang hindi na rin ako naiinggit sa inyo," nang-aasar ang tinig nito.
"Kung manliligaw nga hindi ka namin maihanap, asawa pa?" Ani Lei na tila ba kabaliwan ang hinihingi ni JC.
"At saka alam naman nating lahat na hindi ka talaga naghahanap ng mabo-boyfriend eh," ismid ni Glenn sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...