Thaw- IX

280 12 0
                                    

   "SI JS lang pala ang makakapagpagaan ng pakiramdam mo," patuloy ni JC sa panunudyo sa kaniya. Kakapasok lang nila sa unit nito nang paulanan siya ng panunukso.

   "Tumigil ka na nga," pananaway naman ni Glenn sa kaibigan. Sinusupil niya ang ngiting guatong kumawala sa kaniyang mga labi. Nakatitig lang siya sa pumpon ng bulaklak na nasa ibabaw ng lamesa.

   "Kunwari ka pa, kinikilig ka naman," anito. Akma siyang magpo-protesta nang muling magsalita ang kaibigan. "Huwag kang magkaila, kitang-kita ko ang pagpipigil mo ng ngiti. At saka tingnan mo nga 'yang mga mata mo, nagniningning oh."

   Sukat sa narinig ay pinakawalan niya ang pinipigil na ngiti at pinagtakpan niya ng pag-ingos ang pamumula ng pisngi. Nag-iwas din siya ng tingin sa kaibigan. Ngunit sa kaniyang ginawa ay lalo lang siyang pinaulanan ng tukso nito.

   "And now, you're blushing," may kasama pang pagtawang sambit ng kaibigan. "Ang lakas."

   Wala siyang nagawa kung hindi ang mapailing sa kaibigang hindi siya tinigilan sa panunukso. Akma niyang sasagutin ang panunukso nito nang biglang mag-ingay ang aparatong nasa ibabaw ng lamesa.

   "Siya na ba 'yan?" Anang kaibigan. Nanunukso pa rin ang tinig nito.

   "Don't know," aniyang nakatitig sa nag-iingay na aparato. "Unknown number e."

   "Well, one way to find out," kibit-balikat ng kaibigan. Nag-angat siya ng tingin sa kaibigang nakatunghay din sa aparatong nag-iingay.

   Nang hindi kumilos siya ay walang babalang dinampot ng kaibigan ang aparato at sinagot ito. Nakangiting iniabot nito sa kaniya ang aparato. Kumindat pa ito sa kaniya.

   "Yes?" Bungad niya sa caller.

   "Ang lambing talaga," bungad naman ng caller sa kaniya. Sumikdo ang dibdib niya sukat sa narinig. Ngunit kahit na may ideya na siya kung sino ang nasa kabilang linya ay napakunot siya ng noo. Inilayo niya ang aparato sa tenga at muli ay tiningnan niya ang aparato. Muli niyang ibinalik sa tenga ang aparato.

   "May I know who's this?" Aniyang hindi pinansin ang pagsikdo ng dibdib niya.

   "Dapat na ba akong magtampo?" Tanong nito. Ngunit sa halip na pagtatampo ang mahimigan nito sa tinig ng kausap ay tila ba ito nanunudyo.

   "Hindi, kasi hindi naman kita kilala," pagtataray niya. Ngunit pinagtatakpan lamang niya ang kabang nararamdaman.

   "Ouch. That hurts, honey," saad nitong sinundan pa ng mumunting halakhak.

   Her insides melt upon hearing his laught. Her heart raced to its fullest as if she is being chased. She cleared her throat to dismiss the feeling he's giving her.

   "Why'd you call anyway? And where'd you get my number?"

   "That, honey, is a top secret." She bit her lower lip to suppress a giggle. And she's not even aware that her heart is fluttering.

   "I missed you."

   She stilled when she heard him say that. Her breathing hitched. Her world begun to spin.

   "Are you still there, honey?"

   And his endearment. It makes her shiver, in a delicious manner.

   Wala sa loob na napatay niya ang tawag nito. Naihagis niya ang aparato sa sofa kasunod ng kaniyang pag-upo dito.

   "Hoy, anong nangyari?" Pukaw sa kaniya ng kaibigan. Sa isiping nakita nito lahat ng naging reaksiyon niya ay nag-iwas siya ng tingin. Gumapang ang init sa mukha niya kasabay ng paggapang ng hiya sa kaniya.

ThawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon