"DARLING. GLENN, wake up," yumugyog ang balikat niya. "Glenn."
"What?" Paungol niyang tanong. At isiniksik ang sarili sa unan. Ilang araw na siyang walang maayos na tulog dahil sa kambal. Pasalamat na lang siya at lagi niyang kasama si JC simula nang labas sila ng hospital.
"Darling, umiiyak si Kyle. He needs his breakfast," ani JC.
Tamad na tamad siyang bumangon. Kahit naman gusto pa niyang matulog ay mas importante naman sa kaniya ang anak niya.
"Okay. Mag-aayos lang ako. Try to calm him while I'm on the bathroom, okay?" Bilin niya kay JC bago siya pumasok ng banyo. Mabilis ang naging ritwal niya dahil sa anak niya. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang lumabas siya ng banyo.
Jocen Skyler was holding Kyle. Tahimik naman ang sanggol sa kamay nito.
Tila may humaplos sa puso niya nang makita ang tanawin sa harap niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya.
"Pinahawakan sa'kin ni JC. May kailangan yatang kausapin kaya lumabas muna," anito sa kaniya nang hindi siya tinitingnan.
Tila natauhan naman siya sa sinabi nito. Kaagad siyang lumapit sa lalaki upang kunin ang kaniyang anak. Ngunit nang makalapit siya sa lalaki ay hindi niya malaman kung papaano niya kukunin ang bata. Kaya naman ang lalaki na mismo ang nag-abot sa kaniya.
"Thank you," aniya. Sa simpleng pagdaiti ng mga daliri nila ay naramdaman niya ang boltahe ng kuryenteng nanulay sa kamay niya. Wala sa loob na napatingin siya sa lalaki. Na nakatitig din sa kaniya.
Una siyang nagbawi ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. O kung alam ba niya na anak nito mismo ang hawak nitong sanggol.
Bigla na namang pumalahaw ng iyak ang anak niya nang mahawakan niya. Kaagad niya itong isinayaw-sayaw upang patahanin.
"Kyle, baby, tahan na," pagkausap niya sa sanggol. Ngunit tila hindi siya nito pinakinggan. Lumapit ang lalaki sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay ng sanggol. At tila walang tumahan ito sa pag-iyak. Nagkatinginan silang dalawa sa nangyari.
"Mukhang nasanay yata kaagad sa'kin ang anak mo," komento nito. "Or should I say, anak natin."
Hindi siya nakaimik sa narinig. Tiningnan niya ang lalaki at sumalubong sa kaniya ang seryosong ekspresyon nito. Hindi naman na siya nagulat sa sinabi nito. May ideya na siya na alam nito ang tungkol sa anak nila. At kung paano, malamang, kung hindi kay JC ay sa kakambal niya nito nalaman ang bagay na 'yon.
Naupo siya sa kama at sumunod naman ang lalaki sa kaniya. Humarap ito ng upo sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin? Sana nandoon ako noong naglilihi ka. Nong may gusto kang pagkain, noong paiba-iba ang mood mo, noong kainailangan mong magpunta sa OB para magpa-check up, noong kinailangan mong bumili ng gatas o vitamins. Sana kasama mo ako. Sana nakita ko ang pagbubuntis mo. Sana nakita ko kung paano mo dalhin ang magiging anak natin," tumulo na ang luha nito. "Sana ako 'yong nandoon para sa'yo."
"May magagawa pa ba tayo? Nangyari na ang nangyari," napabuntong hininga siya. "At bakit ka nga pala nandito. Dapat nandoon ka sa asawa mo."
May sakit na gumuhit sa dibdib niya nang mabanggit niya ang bagay na 'yon. Naipon na ang sama ng loob niya sa mahabang panahon. Ngunit alam naman niyang wala na siyang magagawa. Kahit pa mamatay siya sa sama ng loob ay hindi noon mababago ang katotohanang kasal na nga ito. Nag-iwas siya ng tingin dito at binawi ang kamay niya.
"Wala na akong asawa. Wala akong asawa," he said a bit exasperated. "Wala na nang makilala kita."
"What do you mean?" Naguguluhang sambit niya. Napatingin siya sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Thaw
Ficción GeneralTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...