THE CONSTANT beeping sound awakened her senses. White ceiling and blinding lights welcomed her eyes. Ikinurap-kurap niya ang mga mata at inilibot ang tingin sa buong silid.
Kaagad naman dumalo sa kaniya ang kakambal nang makitang gising na siya. Hinalikan nito ang noo niya. Kalmado na ito at may ngiti na sa mga labi na parang hindi ito nagalit man lang.
"How are you feeling?" Malambing na tanong nito kasabay ng pag-upo sa tabi niya sa gilid ng kama.
"I'm feeling sleepy," nangingiti niyang sagot. "But I want to see my baby."
"Right. Mamaya lang ay dadalhin siya rito." Anito sa kaniya. "What I mean is, sila pala."
"I gave birth to a twin?" Hindi makapaniwalang saad niya.
"Hindi mo maalala?"
"No," aniya. "I have twins." Tila wala sa sariling nasabi niya. Ngunit sa isiping may kambal siyang supling ay walang pagsidlan ang kaligayahan niya.
"Yeah. Fraternal twins," nakangiting saad ni Glenmoore. "I'm so happy for you. And proud of you."
"Thank you, kambal." Yumakap siya sa kakambal niya. Hindi niya napigil ang pangilidan ng luha.
"Hey, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang saad ng kakambal niya. Sinapo nito ang mukha niya ang pinahid ang mga luha sa pisngi niya gamit ang hinlalaki. Hinalikan nito ang noo niya.
Ganoon ang tagpo nila nang bumukas ang pinto ng silid. Parehas silang napalingon sa bagong-dating. Sinalubong naman sila ng matiim na titig ng huli.
"Glad you're awake!" Ani JC na kasunod lang ng lalaki. Nilagpasan nito ang lalaki at dumeretso sa tabi niya matapos ilapag ang mga paper bags na dala nito.
Her eyes lingered on him for a minute. And in that span of time, memories of them together flooded her mind. At lalo lang nakadagdag sa lungkot niya ang mga alaala nila. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pasa at sugat sa gilid ng labi nito. Iniiwas niya ang tingin bago pa man siya makapagsalita ng kung ano at bumaling kay JC.
"How are you?" Ani JC sa kaniya na masa buhok na niya ang mga kamay.
"I'm fine. Gusto ko lang makita ang mga anak ko," ngiti niya sa kaibigan. Hinalikan naman ni JC ang noo niya.
Tila hindi nila pansin ang isa pang panauhin nila sa loob ng silid. Pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito ngunit hindi naman ito ng kakaiba. Umupo lang ito sa sofa at tahimik na nagmasid.
"Dadalhin sila rito maya-maya. You should rest though."
Pagkarinig niya sa sinabi ng kaibigan ay awtomatikong kumawala ang hikad sa bibig niya. Natawa naman ng mahina ang kakambal niya. Inihiga siya nito.
"Rest. I'll wake you up when the twins are here," anang kakambal niya. Tumango lang siya bilang sagot bago tuluyang ipikit ang mga mata.
"OH MY, ang cute nila!" JC squealed upon seeing the twins. She woke her up five minutes before the twins were brought to them.
Kinuha ng kakambal niya ang babae, samantalang hawak naman ni JC ang lalaki. Tumayo ang dalawa sa magkabilang panig ng kama at saka naupo sa gilid niya ang mga ito nang nakaharap sa kaniya. Napansin niyang nakatayo na rin ang panauhin nila at tila gustong lumapit sa kanila.
"My twins," naiiyak niyang sambit. "Can I hold them?"
"Of course," at ibinigay ang sanggol na babae sa kaniya ng kaniyang kakambal.
"Nakakatakot siyang hawakan. Ang liit kasi. Inaalala kong baka mapiga ko siya o ano man," nagkakamot ng ulo ang kakambal niya.
"I agree," natatawang saad naman ni JC. "Pero ang saya sa pakiramdam kapag hawak mo siya."
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...