SA SOBRANG sakit na nararamdaman ni Glenn ay hindi na niya magawang umiyak. At kahit pa pinagtitinginan siya ng mga tao ay wala na siyang pakialam. Alam niyang mukha siyang tanga na nakaupo sa gilid ng kalsada ngunit hindi niya iyon inalintana. Ni hindi na rin niya napansin ang paghinto ng ititm na sasakyan ilang metro ang layo mula sa kaniya.
"Gleanice?" Said a low, baritone voice trying to catch her attention. She turn to look at the person in a very slow manner. "Ikaw nga."
Hindi siya nagsalita sa lalaki. Bagkus ay kaagad siyang tumayo at sinugod ng yakap ang lalaki na ikinagulat naman ng huli. Nagsimulang mag-unahan ang mga luha niya sa pagbagsak sa hindi malamang dahilan. Kumawala rin ang hikbi sa lalamunan niya.
"Hey, what's wrong?" Hindi naitago ng huli ang pag-aalala sa tinig nito na lalo lamang nagpahagulgol sa kaniya. Ngunit ang ikinabahala ng lalaki ay walang ingay na nagmumula sa kaniya kahit pa yumuyugyog na ang mga balikat niya sa pag-iyak. Humigpit ang yakap niya sa lalaki. Wala namang imik ang huli. Sa halip ay gumanti ito ng yakap sa kaniya kasabay ng paghaplos nito sa likod niya. "Come. Huwag tayo rito. Pinagtitinginan tayo ng madla. Baka sabihin pang pinaiyak kita."
Hindi siya bumitaw ng yakap sa lalaki. Kaya naman napilitan siyang maglakad kayakap ito. Sapilutan din nitong binaklas ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito upang maipasok siya sa shotgun seat. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa kaniyang mga palad at saka doon pinagpatuloy ang paghagulgol. Ni hindi niya namalatan ang pag-usad ng sasakyan. Ang namalayan na lang niya ay inaalalayan na siya ng lalaki pababa ng sasakyan.
Hindi niya alam kung saan siya nito dinala. Ngunit hindi naman siya tumutol. Sa halip ay naipagpasalamat pa niya ng tahimik na inilayo siya nito.
"Here," anito kasunod ng pag-abot ng isang baso ng tubig. "Uminom ka muna."
Kinuha niya ang baso ngunit hindi naman niya ininom ang laman nito. Hawak niya lang ito sa isang kamay samantalang ang isa pa ay nakatakip pa rin sa mukha nitya. Partikular sa kaniyang mga mata.
"Uminom ka na. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iyak ng todo," his soothing voice laced with worry. And it somehow gave her a warm feeling that caress her heart.
Napilitang uminom si Glenn. Ngunit hindi pa man niya napapangalahati ang laman ng baso ay ibinaba na niya ito sa center table. Muli ay tinakpan niya ang kaniyang mukha. Hinagod naman ng lalaki ang kaniyang likod.
"Ayoko sanang magtanong, pero, ano bang nangyari? Sa itsura mo hindi maganda ang kung ano mang nangyari sa'yo," he sound disturbed.
"Trust me, what you said is understatement," she said through muffled breaths. "All along, I'm having an affair with a married man. Ang saya, 'di ba?"
Nakuha pa niyang tumawa ng pagak. Muli ay naramdaman niya ang mainit na bisig ng mga lalaki na bumalot sa kaniya. Naisandala na lamang niya ang kaniyang ulo sa dibdib nito. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa mapagod ang kaniyang mga mata at wala nang pumatak na luha. Nakatulog na rin siya sa mga bisig ng lalaki nang hindi niya namamalayan.
"WHAT DID I tell you? Sabihin mo habang maaga pa. Siguro naman kaya mong ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay na dapat mong ipaliwanag, 'di ba? Pero ano? Anong nangyari, Simon? Binalaan na kita." Madiin ang bawat salitang binibitawan ng babae. She wasn't shouting and all that. But the low tone of her voice and coldness of it gave away that she's mad. Way beyond mad. At sa galit nito ay tumama ang kamao niyo sa panga ng lalaki. "It always feels good to do that."
Wala siyang naging aksyon sa ginawa nito sa kaniya. He knows, he deserves it.
"Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko rin alam na siya mismo ang makakaalam ng tungkol sa amin. Balak ko namang sabihin sa kaniya. Pero nauunahan ako ng takot ko," depensa naman ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Thaw
General FictionTruth really sets you free. But it will hurt you first. Having known that Gleanice Ysabelle was adopted, her very life crumbled right in front of his eyes. And right there and then, she was swept off her feet like she's a damsel in distress. Well...