[Recommended to play the media 👆👆👆]
(8 years later.......)
Third Person's POV
Umahon ang babae mula sa kanyang bathtub.
Kinuha niya ang naka sabit na roba at lumapit sa tapat ng salamin.
Ngumiti siya sa kanyang repleksyon habang hinahaplos ang kanyang pisngi pababa hanggang sa kanyang labi.
At ang kanyang ngiti ay naging ngisi.
Isinuot na niya ang kanyang roba at lumabas na sa kanyang banyo.
Lumapit siya sa kanyang lamesa kung saan naka lagay ang kanyang laptop at nilakasan ang musika.
Pumikit siya at muling ngumiti ng malake habang dahan dahan na sumasayaw.
Idinilat na niya ang kanyang mata at naglakad na papunta sa kanyang malaking closet.
Pagdating sa kanyang closet ay hinubad na niya ang suot na roba at nag hanap ng kanyang masusuot.
Tumigil siya sa paglalakad at kinuha ang naka agaw ng pansin sa kanya.
Pinagmasdan niya iyon mula ibaba hanggang sa itaas.
"Perfect."
Sabi niya habang naka ngisi.
Isa iyong kulay pula na bestida na maigsi at pa letrang V ang disenyo ng harap na hanggang pusod ang baba.
Bitbit niya iyon hanggang sa maka labas siya ng kanyang closet.
Nag tungo siya sa harapan ng salamin at isinuot iyon.
Ng maisuot ay lumake ang kanyang pagkaka ngiti ng bumakat ang perpektong hubog ng kanyang katawan.
Nagsimula na siyang mag ayos ng sarili at ng matapos ay kinuha niya ang pulang pula na lipstick at nagpahid sa kanyang labi.
Pagkatapos ay gumuhit siya ng malaking puso sa salamin gamit ang kanyang lipstick.
Pinagmasdan niya iyon at ngumiti, ngunit lalong lumaki ang kanyang pagkaka ngiti ng guhitan niya iyon ng mahabang guhit sa gitna.
Binitawan na niya ang kanyang lipstick at umupo sa dulo ng kanyang kama upang suotin ang kanyang mataas na sapatos na kulay pula din.
Muli siyang tumayo at muling humarap sa malaking salamin upang tignan ang kanyang kabuuang itsura.
Napangisi siya ng makita ang sarili.
At tumingin naman sa maliit na frame na may litrato ng lalake at nilapitan niya iyon.
Sandali niyang pinagmasdan ang litrato pagkatapos ay itinumba na niya iyon.
Kinuha na niya ang kanyang maliit na bag at dumiretso na sa pintuan at lumabas.
Pababa na siya ng hagdan at naghihintay na ang kanyang mga tauhan sa ibaba habang naka yuko.
Pagdating niya sa baba ay huminto siya sa tapat ng lalakeng naka yuko at may hawak hawak na kahon na naka lahad sa kanya.
"Miss Celine."
Tawag ng lalake sa kanya.
Kinuha niya ang laman ng nasa kahon.
Kinuha niya ang dalawang baril at pinagmasdan iyon ng mabuti at muli nanamang napa ngisi.
Naglakad na siya habang hawak hawak ang kanyang baril at lumabas sa kanyang malaking bahay.
Pagdating niya sa garahe ay naghihintay ang isa pa niyang tauhan na pinagbuksan siya ng pinto ng kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]