Chapter 44

6.9K 189 12
                                    


Third Person's POV

Ibinuga na muna ni Leo ang usok galing sa kanyang sigarilyo at tsaka naka ngising lumapit sa harapan ni Knightly na walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Tinignan niya eto mula paa hanggang sa ulo at muling ngumisi.

"Sino ka? Kasintahan ng bayaring babaeng yan?"

Naka ngising tanong ni Leo, ngunit hindi iyon sinagot ni Knightly. At binalingan ng tingin si Venus na naka upo na kahit na nahihirapan.

"Babae, magkano ba ang bayad sayo ng taong to? Sa porma ng batang to, mukhang malake lake ang nahuhuthot mo."

Napa yuko naman si Venus at nakagat ang ibabang labi.

Pakunwari namang pinagpagan ni Leo at inayos ang kwelyo ni Knightly at tinignan niya eto na hindi pa rin na aalis ang pagkaka ngisi.

"Swerte ka sa kanya, lahat gagawin niya para sa pera hahaha! Para nga siyang aso, na pag sinabing dilaan ang sapatos, didilaan niya. Hindi ba Venus? Kaya nga sa lahat ng aso ko, ikaw ang pinaka paborito ko."

Hindi na napigilan ni Venus ang pamamahiyang nararamdaman kaya't tuluyan ng bumagsak ang kanyang luha habang naikuyom ng mahigpit ang kamao.

Muling binaling ni Leo ang tingin kay Knightly na walang ganang naka tingin lamang sa kanya.

"Mukhang wala naman siyang balak na bumalik sa akin at nagmamatigas pa. Ibibigay ko na lang siya sayo, tutal pinagsawaan ko na rin siya. Magagamit mo sa lahat ang asong yan."

Naka ngising sabi ni Leo at humithit sa kanyang sigarilyo.

"You shouldn't compare her to a dog."

Mahinang sabi ni Knightly na ikina taas ng isang kilay ni Leo.

"Infact, you're worst than a rabid dog."

Muling sabi ni Knightly.

Tila nawala ang pagkaka ngisi ni Leo dahil sa sinabi ni Knightly.

Lumapit pa lalo si Leo kay Knightly at ibinuga ang usok sa mukha neto.

"Matabil yang dila mo bata."

Seryosong sabi ni Leo, at ng muli  niya sanang ilalapit ang sigarilyo sa kanyang labi ay hinawakan ni Knightly ang kanyang braso na ikina nuot ng kanyang noo.

Magsasalita pa sana si Leo ng kontrolin ni Knightly ang braso ni Leo at ang hawak netong sigarilyo ay ipinaso sa kanyang mata na kanyang ikina inda ng malakas.

"AHHH!! HAYOP KA!!!"

Na iangat naman ni Venus ang kanyang tingin at ng makita ang itsura ni Leo ay nanlake ang kanyang mga mata.

"ANO PANG TINATANGA TANGA NIYO DYAN! PATAYIN NIYO ANG G*GONG TO!!"

Bahagyang umatras si Leo habang sapo sapo ang kanyang pinasong mata.

Sunod sunod naman na sinugod si Knightly ng mga tauhan ni Leo ngunit nanatili lamang siyang naka tayo habang naka pamulsa ang isang kamay at hinihintay ang kanilang pag lapit sa kanya.

Tatlong lalake agad ang naka lapit sa kanya at sabay sabay siyang hinampas ng hawak nilang mga tubo. Ngunit napigilan lamang iyon ni Knightly gamit ang kanyang braso.

Nagulat naman si Venus sa ginawa ni Knightly. Ganun din ang tatlong lalakeng nasa harapan niya.

Sinipa ni Knightly ng malakas ang isang lalake sa dibdib neto na kanyang ikina talsik at nabitawan ang hawak na tubo.

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon