Kira's POV
"Iha, kung may kailangan ka. Nilipat namin malapit sayo sa ang telepono. Wag kang magdadalawang isip na tumawag. Ok?"
Tango lang ang sinagot ko kay Elizabeth at pabagsak akong humiga sa kama ko at pumikit.
Kahit naka pikit ako, alam kong naka tingin sa akin si Henry.
Kanina pa siya ganyan sa hospital pa lang. Tahimik at kung minsan nahuhuli ko pa siyang naka tingin sa akin na parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.
Narinig kong bumuntong hininga siya at naramdaman kong lumapit siya sa akin.
Napa dilat ako ng halikan niya ako sa noo at malungkot na naka ngiti at lumabas na.
What's wrong with him? Tss.
"I-iha, tumawag ka ha."
Nilapitan ako ni Elizabeth, nakita niya siguro ang pagtataka ko sa ikinikilos ni Henry.
"Usher, Ashton. Tara na para makapag pahinga ang ate niyo."
Tumingin sa akin si Ashton at bahagyang ngumiti at sumunod na kay Elizabeth.
"No mom, dito lang ako. Babantayan ko si ate Sophia."
Naka ngiting sabi ni Usher pero nawala ang ngiti niya ng tignan siya ng masama ni Elizabeth.
"Maingay ka. Hindi makakapag pahinga ang ate mo. Labas na."
"Tss, hindi naman ako mag iingay eh."
Pasimple akong natawa dahil sa pagsimangot ni Usher at bagsak ang balikat na sumusunod kila Elizabeth palabas.
Ng maisara nila ang pinto ay bumangon ako at tumapat sa salamin.
"You're suck Kira."
Sabi ko ng naka ngisi.
Nabaling ang tingin ko sa braso kong may casts.
Na alala ko nanaman yung lalakeng tumulong sa amin.
Why he saved us? Why he saved me, if he's after my life too?
Tss.
Pati ba naman yun, iisipin ko?
*sigh*
Ang sabi nila Saturn ng maka balik sila sa hospital, wala daw silang nakitang ebidensya.
Pero tulad ng kutob niya, malakas din ang kutob kong si Vlad nanaman yun.
Imposibleng ang lalakeng naka motor ang may gawa nun.
Dahil siya lang naman mag isa ang gumagawa ng trabaho niya. Hindi tulad ni Vlad na umaasa sa mga tauhan niya. Tss.
Nagkataon lang siguro na nandoon din ang lalakeng yun.
Na ang mata at ang birth mark lang niya sa kamao ang nakita ko.
Hindi ko alam pero na ilapit ko ang mukha ko sa salamin at pinagmasdan ng maigi ang mata ko.
Ang sabi nila, kamukhang kamukha ko daw si mommy. Lahat nakuha ko sa kanya, maliban lang sa mata na mula pa nung bata ako alam kong hindi ko yun nakuha kay mommy.
"Tss."
Napa iling ako at umalis sa harap ng salamin at pabagsak ulit na humiga sa kama.
"What now?"
Bulong ko.
Si Saturn wala, dahil re-opening ng restaurant niya.
Si Knightly naman, *sigh* hindi pa nagpapakita sa akin after nilang umalis sa hospital kahapon.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
