Chapter 6

10.1K 291 20
                                    


"Good morning ate!!"

Nagulat ako sa pag sulpot ni Usher sa likuran ko at halikan ako sa pisngi kaya napa hinto ako sa paglalakad papunta sa kusina.

Tinaasan ko siya ng isang kilay ng akbayan niya ako at ngitian ng napaka lake.

"Don't try Ush, you will take the exam no matter what."

Napa tingin naman ako ng biglang sumulpot si Ashton sa gilid ko at sabihin yun sa kambal niya.

"Good morning ate."

Inalis ni Ashton ang braso ni Usher na naka patong sa balikat ko at hinalikan din ako sa kabilang pisngi naman.

"Tss."

Narinig kong reklamo ni Usher at naka tingin kay Ashton na naka pasok na sa kusina.

Pagtingin naman niya sa akin, bigla siyang ngumiti.

"Tara na ate."

Pumunta siya sa likuran ko at tinulak tulak ako papasok sa kusina.

Pagdating namin, wala sila Henry at Jasper.

Si Saturn naman ay nagtungo sa kwarto ko kanina habang natutulog ako at nagpaalam na pupunta na daw siya sa restaurant.

May sinabi pa siya pero hindi ko na maintindihan dahil sa antok.

Inalalayan na akong umupo ni Usher.

Bago ako umupo, tinignan ko siya at tinaasan ulit ng kilay. Pero ngumiti lang ulit siya.

"Nice try Ush, nice try."

Natatawang sabi ni Ashton.

"Anong meron?"

Tanong ni Elizabeth pagdating niya at nilapag ang tinapay sa harapan ko.

"Ahh nothing mom!"

Sagot naman agad ni Usher.

"Nagpapalakas siya kay ate Sophia, so he wont take the entrance exam."

Sagot naman ni Ashton, na sa pagkain lang niya naka tingin.

At si Elizabeth naman ay napatingin kay Usher na nagkakamot ng ulo.

"Usher?"

Tawag sa kanya ni Elizabeth pero iba ang tono.

"Mom! Kapatid naman ako ni ate! Why take the exam?!"

"Thats the rules Usher!"

"But mom---"

"Kung ayaw mong mag exam, maghanap ka ng school na hindi na kailangan niyan."

Napatingin ako kay Usher.

Naka simangot siya sabay tingin kay Ashton.

"You're not my twin anymore! You betrayed me!"

Bulong ni Usher.

Nakagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang pag tawa at kumain na.



~~~~~~~~~~~~


"Ate!"

Napalingon ako ng tawagin ako ni Usher.

Bakit ba bigla na lang sumusulpot to sa kung saan?

"Saan ka pupunta?"

Tanong niya.

"Mag kikita kami ni Saturn."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon