Chapter 63

5.9K 194 18
                                    


"Dadalawin kita ulit boss. Wag mong kalimutan ang mga gamot mo."

Nilapitan ni Marcus si Loui, tinapik niya eto sa braso at nagsalita.

"Quit calling me that, matagal mo na akong hindi boss."

Naka ngiting sabi ni Marcus.

"Naku! Yan ang hindi ko gagawin boss! Loyal kaya ako sayo! Solid tayo. Boss."

Muling tinapik ni Marcus si Loui at ngumiti.

"Salamat Loui."

"Sige na boss, baka maiyak pa ako. Mauuna na ako, basta dadalawin ulit kita para malinisan yang sugat mo. Charlotte, alis na ako."

Napa tingin sila kay Charlotte na tila hindi narinig ang pag tawag sa kanya.

"Charlotte."

Tawag ni Marcus ngunit tila wala pa rin etong naririnig.

Saktong paglabas naman ni Pamela ay nakita niyang naka tingin ang dalawa kay Charlotte na napansin niyang tulala.

"Uy! Lot, ayos ka lang?"

Dahil sa magkatabi sila ay hinawakan ni Pamela ang braso ni Charlotte na ikina galaw neto.

"P-po?"

Tanong ni Charlotte.

Nagkatinginan naman ang tatlo dahil sa itsura neto.

"Aalis na ang kuya Loui mo."

Sabi ni Marcus.

Agad namang umalis sa pagkaka sandal si Charlotte sa pader at nilapitan si Loui upang yakapin.

"Ingat po."

Agad siyang kumalas at bumalik sa kanyang pwesto.

Ngumiti na lamang si Loui at tuluyan ng nagpaalam.

Ng maka alis ang sasakyan ni Loui ay sabay na napatingin si Pamela at Marcus kay Charlotte.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ni Marcus.

"O-opo."

Alanganing sagot ni Charlotte.

Tumango naman si Marcus at nag aya ng pumasok sa loob.

Ngunit natigil sila ng mag salita si Charlotte.

"Kuya, bakit hindi ka pumayag sa alok nila sir Henry na dun na lang tayo tumira, pagka laya mo?"

Tanong niya.

Nagkatinginan naman sila Marcus at Pamela.

"Uhm..mauna na ako sa loob. Wag na kayong mag tagal, lalamig ang pagkain."

Sabi ni Pamela at pumasok.

Napa buga naman ng hangin si Marcus at umupo sa kalapit na upuan at sinenyasan ang kapatid na umupo sa kanyang tabi.

"Bakit mo natanong?"

Nagkibit balikat si Charlotte bago sumagot.

"Kasi..para...para hindi na masama ang tingin nila sayo. Kapag nandoon ka at nakakasama nila, makikita nilang hindi ka naman talaga masama."

Bahagyang ngumiti si Marcus at inayos ang buhok ng kapatid na humaharang sa mukha neto.

"Lot, alam mo bang sobrang bait nila? Sa sobrang bait nila, nagawa nila akong patawarin, na hindi ko inaasahan at hindi sumagi sa isip ko na mangyayari yun. Yung patawarin nila ako, sobrang sapat na yun. Hindi ko kailangan na tumira at makasama nila para makita nilang hindi ako ganun. Yung pagmamahal ko sa kanila, kahit ako lang ang nakaka alam. Ok na yun."

Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon