Thank you sa lahat ng mga bumati. Hugs and kisses!!
-------------
Huminto ang tatlong itim na sasakyan sa tapat ng simbahan.
Ang sasakyan na nasa gitna ay bumukas ang pinto at bumaba ang lalakeng naka uniporme at naglakad papunta sa likuran upang buksan ang pinto.
Pag bukas niya ay bumungad ang masamang mukha na si Felix.
"Nandito na tayo sir Felix."
Sabi ng lalakeng nag bukas ng pinto.
Ngunit hindi kumilos si Felix na nanatili lamang na tahimik at diretso ang masamang tingin.
"Sir--"
Natigil ang lalake ng tignan siya ng masama ni Felix. At kahit nag aalangan ay muli etong nag salita.
"Nakikita niyo ba eto sir?"
Napa lingon si Felix sa itinuro ng lalake sa suot netong maliit na mikropino na naka ipit sa suot netong coat.
"Konektado ang bagay na to sa iyong lolo. Hindi ko gustong sabihin to sir, pero hindi niyo naman siguro gugustuhin ang kalalabasan kung susuway kayo. "
Mahigpit na naikuyom ni Felix ang dalawang kamao.
At kahit labag sa kanyang loob ay pagalit siyang lumabas.
Masama ang tingin na ibinibigay niya sa naka bukas na pinto ng simbahan na may mga dekorasyon pang kasal.
"Tayo na sir."
Ibinaling ni Felix ang kanyang masamang tingin sa lalake, at mabibigat ang mga hakbang na naglakad papasok sa simbahan.
~~~
"Ay! Ano ba yan!"
"Hoy!"
"Anak ng--tumingin ka nga sa dinaraanan mo!!"
Hindi pinansin ni Kira ang mga galit na sigaw ng mga taong kanyang nababangga.
Hindi niya eto alintana at binilasan ang pag takbo.
Wait for me , Felix.
Sabi niya sa kanyang isipan.
~~~
Pag pasok ni Felix ay sumalubong ang mga hindi kilalang mga tao na naka tingin sa kanya at naka ngiti habang kinukuhaan siya ng litrato.
"Sa unahan sir."
Sabi ng lalake na nasa likuran niya ng huminto siya sa paglalakad.
Muli naman niyang naikuyom ang kamao at nag tuloy sa paglakad.
~~~
"Primo, nasa simbahan na po ang inyong apo."
Pagpapaalam ng sekretarya ng Primo.
Mula sa pagkaka talikod ng Primo ay iniikot niya paharap ang inuupuan.
"How about the girl?"
Tanong ng Primo.
"Ini report ng isa sa mga nagbabantay na tumatakbo si Sophia sa direksyon papunta sa simbahan."
Uminom ang Primo sa kanyang alak bago mag salita.
"Sabihin mo na siguraduhin nila na hindi siya makaka lapit."
Maotoridad na utos ng Primo.
"Makakarating."
Sabi ng sekretarya at bahagyang yumuko upang magbigay galang.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
ActionEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]