Kira's POV
Ramdam ko ang presensya ni Amy na tumatakbo papunta sa kung nasaan ako.
I'm waiting here outside the emergency room when i called her, at hanggang sa dumating na nga siya ay nandito pa din ako.
"Sophia, anong balita?!"
I can't see kung ano ang itsura niya dahil naka pikit ako habang naka sandal at parehong naka cross ang mga kamay at paa.
But i can feel her hard breathing.
I decided to open my eyes.
At pagdilat ko ay diretso lang ang tingin ko.
"Tell me everything."
Walang gana ngunit maotoridad kong utos.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag buga niya ng hangin at umupo sa tabi ko.
"Kung na aalala mo ang araw na nabisto natin si Marcus at ang plano ng ama niya, nasabi niya na pinapatay ng kanyang ama ang tunay na Marcus, which i agreed dahil nga sa naging espiya ako ni Carlos at nakita ng dalawang mata ko ang pag bigay niya ng sanggol kay Emmanuel noon, at ng bumalik siya ay hindi na niya iyon kasama kaya ang nasa isip ko noon ay nagawa na niya ang ipinag uutos sa kanya. Pero inamin niya sa akin na hindi niya pinatay ang sanggol dahil nakokonsensya siya, kaya't iniwan niya iyon sa lugar na posibleng may maka kita sa sanggol at hindi nga siya nabigo dahil may mag asawang naka kuha sa sanggol. At ng makita nga niya ang larawan ni Zeke sa iprininta kong papel, nakita niya ang markang nasa kamay neto na nagpapa tunay na siya ang sanggol na inilayo niya sa ipinataw na kamatayan ni Carlos."
Narinig kong muli ang pag buga niya ng hangin.
"I know it's hard to believe it, lalo na sayo dahil isa siya sa nagtatangka sa buhay mo. Pero kita ko sa mga mata ni Emmanuel na hindi siya nagsisinungaling o gumagawa lamang ng kwento. That Zeke is the real Marcus Dela Fuente."
Sa buong kwento niya ay hindi ako nag salita o nag react man lang.
At pagka tapos niyang mag kwento ay nabalot kami ng katahimikan.
Tanging ang orasan lamang sa labas ng emergency room ang naririnig ko.
Tumayo na ako at nakita ko sa gilid ng mata ko na napa tingin siya sa akin.
Pero nanatili akong tahimik at nag lakad palayo sa kanya.
~~~~~~~~~~~~
Umayos ako sa pagkaka sandal ko ng mapa tingin muli ako sa relo ko.
At saktong bumukas ang pinto na nasa harapan ko.
Nagulat si Elizabeth na naka roba pa ng makita ako.
"S-sophia iha, anong ginagawa mo diyan?"
Tanong niya.
"Wake Henry up and get dress, may pupuntahan tayo. I'll wait you downstairs."
Pagkasabi ko nun ay umalis ako sa pagkaka sandal at nag lakad na.
"H-hindi ba masyadong maaga? I-i mean, saan ba tayo pupunta iha?"
Nahinto ako sa paglalakad ng magtanong siya.
"Honey? Sino ang kausap mo?"
I think Henry is already awake.
"Si Sophia, pinagbibihis tayo dahil may pupuntahan daw tayo."
Napahilot ako sa sintido ko at muling bumalik sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith 2 (Untold Story) (Completed) (Unedited)
БоевикEveryone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it remain unchanged. ---------- [Date started: Nov 2016, Date Ended: April 15, 2017]
